• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ASEC MENDOZA, iniutos sa LTO REGION 7 na maglabas ng suspension order laban sa mga enforcer sa Bohol viral video

INIUTOS ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II nitong Sabado March 1, sa regional director ng LTO Region 7 na maglabas ng preventive suspension order laban sa mga enforcer na sangkot sa viral video sa Bohol.

 

Ayon kay Asec Mendoza, ang ipinag-utos na preventive suspension ni DOTr Secretary Vince Dizon ay kailangang ipatupad kaagad at mananatiling epektibo hanggang sa matapos ang masusing imbestigasyon.

 

“Ang aking direktiba ay tapusin ang imbestigasyon sa lalong madaling panahon upang matukoy ang katotohanan, alamin kung may anumang pagkukulang, at tiyaking mapanagot ang sinumang may responsibilidad,” ani Asec Mendoza.

 

Noong Biyernes, February 28, kumalat sa social media ang isang video na umano’y nagpapakita ng mga enforcer ng LTO na nangmamaltrato sa isang motorcycle rider sa Panglao.

 

Agad nang ipinag-utos ni Secretary Dizon ang preventive suspension sa lahat ng LTO personnel na sangkot sa insidente sa Panglao, Bohol, at tiniyak ang masusing pagsisiyasat sa pangyayari.

 

“Mananatili itong epektibo habang hindi pa natatapos ang isang komprehensibo at patas na imbestigasyon sa insidente,” ayon sa DOTr kaugnay ng suspension order.

 

Samantala, inatasan din ni Asec Mendoza si LTO Region 7 Director Glen Galario na makipagtulungan sa investigating team na binuo ni Secretary Dizon.

 

Nagpahayag naman ng paghingi ng paumanhin si Asec Mendoza sa insidente at tiniyak na magpapatupad ng mga kaukulang hakbang upang maiwasang maulit ang ganitong pangyayari sa hinaharap. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Psalm 16:5

    You are my inheritance, O Lord.

  • DISCLAIMER

    Notice is hereby given that our company disclaims the existence of any paid advertisement in our newspaper relating to a “Notice to the Public” against Jamaica Casano Diaz that even included the name of FPG Insurance Corporation, Inc.  We also disclaim any relationship or association with a certain “Nathaniel Grande”, the alleged author of the […]

  • MALAWAKANG PAGBABAKUNA PARA SA MGA MENOR DE EDAD, NAGPAPATULOY SA LUNGSOD NG MAYNILA

    NAGPAPATULOY ang pagbabakuna sa  general population ng mga menor de edad, mula 12 hanggang 17 anyos,ngayong araw, Disyembre 8.       Mahigit 10-libong doses ng bakuna kontra Covid-19 naman ang nakahandang iturok ngayong araw sa mahigit 60 vaccination sites sa lungsod ng Maynila       Ayon kay Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso, […]