• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Asec Mendoza, nagpahayag ng pasasalamat kay PBBM sa pagpapalawak ng serbisyo ng LTO

NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa pagpapatibay ng pitong batas na magpapabuti at magpapalawak sa serbisyo ng ahensya para sa mamamayang Pilipino. nnSa isang liham na ipinadala kay Asec Mendoza, ipinabatid ng Tanggapan ng Pangulo ang mga bagong kautusang naglalayong palawakin at pagbutihin ang operasyon ng pitong opisina ng LTO sa iba’t ibang bahagi ng bansa. nnKabilang dito ang pagtatatag ng LTO District Office sa bayan ng Liloy, Zamboanga del Norte; District Office sa mga bayan ng Cordova at Consolacion sa Cebu; at District Office sa Pandan, Antique. nnNilagdaan din ni Pangulong Marcos ang batas na nagko-convert sa Las Piñas City Licensing Center bilang isang regular na LTO Licensing Center, pati na rin ang pagsasailalim ng Rosales, Pangasinan District Office sa Class A LTO office, at ang pag-convert ng LTO Extension Office sa Burgos, Ilocos Norte bilang isang ganap na District Office. nnIpinaliwanag ni Asec Mendoza na ang pagsang-ayon ng Pangulo ay may kaakibat na pondo para sa pagpapabuti ng mga pasilidad at iba pang gastusing operasyonal at administratibo ng mga nasabing opisina. nn”Sa ngalan ng buong hanay ng LTO, ipinaaabot ko ang aming taos-pusong pasasalamat sa kagandahang-loob ng ating Pangulong Bongbong Marcos sa pagpapalakas ng aming serbisyo para sa mamamayang Pilipino. Malaking tulong ito sa ating layunin na ilapit ang serbisyo ng gobyerno sa publiko sa ilalim ng Bagong Pilipinas,” ani Asec Mendoza. nn”Ipinapaabot din natin ang ating taos-pusong pasasalamat sa mga kongresista at senador na naglaan ng oras upang pag-usapan at aprubahan ang mga ito,” dagdag pa niya. nnAyon kay Asec Mendoza, patuloy na binibigyang-prayoridad ang pagpapalawak at pagtatayo ng mas maraming tanggapan ng LTO upang mapagaan ang gastusin at oras na ginugugol ng publiko sa paglalakbay patungo sa malalayong lugar para sa pag-renew ng lisensya, rehistro ng sasakyan, at iba pang transaksyon sa ahensya.nnDagdag pa niya, sinusuportahan ito ng mas pinaigting na digitalisasyon upang mas mapabilis at gawing mas maginhawa ang mga transaksyon sa ahensya. nn“Makaaasa ang ating mga kababayan lalo na sa pamumuno ng ating DOTr Secretary Vince B. Dizon na patuloy tayong maghahanap ng mga paraan upang mapabilis at maging maayos ang pagseserbisyo natin sa ating mga kababayan,” pahayag ni Asec Mendoza. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Happy mom dahil muling nabuo silang tatlo: KRIS, kinailangang pabalikin agad si BIMBY at sumama naman si JOSHUA

    MASAYA si Queen of All Media Kris Aquino na muling nakasama ang kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby.     Sa Instagram post ni Kris, ibinahagi niya na bumalik na sa Amerika ang mga anak mula sa short vacation sa Pilipinas.   Sa panimula niya, “There are so many people to thank for […]

  • Kampo ni WNBA star Brittney Griner lubos ang pasasalamat sa mga suportang nakukuha matapos maaresto sa Russia

    Labis ang pasasalamat ng kampo ni WNBA star Brittney Griner sa mga suportang nakukuha nito matapos na maaresto sa Russia ng makuhanan ng illegal substance.     Sinabi ng kanyang asawang si Cherelle Griner na nagpapasalamat ito sa mga fans at mga kaanak nila na nagpaabot ng pagdarasal para agad na makalaya ito.     […]

  • Queen Bees and Wannabes: ‘Mean Girls’ Hits PH Cinemas

    Catch the latest buzz as ‘Mean Girls’, a fresh take on high school drama by Tina Fey, debuts in Philippine cinemas on February 7.  Join Cady Heron and the iconic Plastics in this must-see comedy. High school is a world of its own, filled with cliques, drama, and unforgettable moments. On February 7, Philippine cinemas […]