Asec Mendoza, nagpahayag ng pasasalamat kay PBBM sa pagpapalawak ng serbisyo ng LTO
- Published on April 15, 2025
- by @peoplesbalita
NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa pagpapatibay ng pitong batas na magpapabuti at magpapalawak sa serbisyo ng ahensya para sa mamamayang Pilipino. nnSa isang liham na ipinadala kay Asec Mendoza, ipinabatid ng Tanggapan ng Pangulo ang mga bagong kautusang naglalayong palawakin at pagbutihin ang operasyon ng pitong opisina ng LTO sa iba’t ibang bahagi ng bansa. nnKabilang dito ang pagtatatag ng LTO District Office sa bayan ng Liloy, Zamboanga del Norte; District Office sa mga bayan ng Cordova at Consolacion sa Cebu; at District Office sa Pandan, Antique. nnNilagdaan din ni Pangulong Marcos ang batas na nagko-convert sa Las Piñas City Licensing Center bilang isang regular na LTO Licensing Center, pati na rin ang pagsasailalim ng Rosales, Pangasinan District Office sa Class A LTO office, at ang pag-convert ng LTO Extension Office sa Burgos, Ilocos Norte bilang isang ganap na District Office. nnIpinaliwanag ni Asec Mendoza na ang pagsang-ayon ng Pangulo ay may kaakibat na pondo para sa pagpapabuti ng mga pasilidad at iba pang gastusing operasyonal at administratibo ng mga nasabing opisina. nn”Sa ngalan ng buong hanay ng LTO, ipinaaabot ko ang aming taos-pusong pasasalamat sa kagandahang-loob ng ating Pangulong Bongbong Marcos sa pagpapalakas ng aming serbisyo para sa mamamayang Pilipino. Malaking tulong ito sa ating layunin na ilapit ang serbisyo ng gobyerno sa publiko sa ilalim ng Bagong Pilipinas,” ani Asec Mendoza. nn”Ipinapaabot din natin ang ating taos-pusong pasasalamat sa mga kongresista at senador na naglaan ng oras upang pag-usapan at aprubahan ang mga ito,” dagdag pa niya. nnAyon kay Asec Mendoza, patuloy na binibigyang-prayoridad ang pagpapalawak at pagtatayo ng mas maraming tanggapan ng LTO upang mapagaan ang gastusin at oras na ginugugol ng publiko sa paglalakbay patungo sa malalayong lugar para sa pag-renew ng lisensya, rehistro ng sasakyan, at iba pang transaksyon sa ahensya.nnDagdag pa niya, sinusuportahan ito ng mas pinaigting na digitalisasyon upang mas mapabilis at gawing mas maginhawa ang mga transaksyon sa ahensya. nn“Makaaasa ang ating mga kababayan lalo na sa pamumuno ng ating DOTr Secretary Vince B. Dizon na patuloy tayong maghahanap ng mga paraan upang mapabilis at maging maayos ang pagseserbisyo natin sa ating mga kababayan,” pahayag ni Asec Mendoza. (PAUL JOHN REYES)
-
Pahayag ni VP Sara sa pagkuha umano ng killer vs PBBM
Itinuturing na seryosong banta ng Malakanang sa kaligtasan ng Chief Executive ang binitiwang salita ni VP Sara Duterte. Ayon sa Presidential Communications Office, anumang banta na may kinalaman sa buhay ng Presidente ay hindi maaaring ipagkibit balikat lalot ang salitang binitiwan ng ikalawang pangulo ay ginawa sa publiko. Inihayag kasi […]
-
GC, nais ng mga Pilipinong matanggap na regalo sa Pasko
SA MGA Katolikong Kristiyano, ang Pasko ay “celebration of the Savior Jesus Christ”. Ito rin ay panahon ng pagmamahalan at pagbibigayan. Ikaw, anong regalo ang gusto mong matanggap ngayong Christmas? Sa isinagawang Veritas Truth Survey (VTS) sa 1,200 respondent nationwide na may petsang November 1-30, 2022, mayorya sa mga […]
-
Ika-3 titulo ng Ronda, pepedalin ni Morales
SOBRANG pinagmamalaki ni Jan Paul Morales ang kanyang mga kakampi sa Standard Insurance-Navy. Pinahayag kahapon (Biyernes) ng two-time bikathon champion, na puwedeng makopo ng kanyang tropa ang titulo sa LBC Ronda Pilipinas 10th Anniversary Race na sisiklab ngayong araw (Linggo) sa harap ng Sorsogon Provincial Capitol. “Kahit sino sa mga kakampi ko puwede […]