• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ASHLEY, tanggap na kinabubuwisitan na kontrabida ngayon dahil sa pagganap bilang ‘Marriam’

SI Ashley Ortega na siguro ang kinabubuwisitan na kontrabida ngayon sa primetime dahil sa pagganap niya bilang si Marriam sa GMA teleserye na Legal Wives.

 

 

Masyado na siyang na-obsess kay Ismael na ginagampanan ni Dennis Trillo kaya lahat ng kasamaan ay ginagawa niya para mapasakanya si Ismael.

 

 

Mixed reaction ang natatanggap ni Ashley sa social media, pero kahit daw negative ay welcome sa kanya.

 

 

“‘Pag wala akong ginagawa, I would read comments tapos I would reply to them. Nagte-thank you ako sa mga praises nila na magaling akong kontrabida, na effective ako,” tawa pa niya.

 

 

Maipapaliwanag naman daw sa teleserye kung bakit nagkaganon si Marriam: “Siguro nadala lang siguro siya sa galit niya sa buhay. ‘Di niya lang ma-handle ‘yung rejection na natanggap niya from Ismael Eventually, ‘di rin siya na-guide nang maayos ng parents niya.

 

 

Kabilang sa mga inspirasyon ni Ashley sa pagganap niya ay sina Gina Alajar, Cherie Gil, Jaclyn Jose, at Irma Adlawan.

 

 

“Talagang kitang-kita mo sa mga mata nila ‘yung emotions. Yun ang gusto kong ma-achieve sa performances ko,” diin pa ni Ashley.

 

 

***

 

 

MAGPAPAHINGA raw muna ang aktres na si Sylvia Sanchez sa pag-arte kapag nagtapos na ang teleserye na Huwag Kang Mangamba.

 

 

Tatlong linggo na lang eere ang naturang teleserye at tapos na raw sila sa taping nito.

 

 

“Okay na. Naka-off na si Barang sa akin. Magpapahinga ako. Talagang sobrang pahinga ngayon. Grateful ako sa role na Barang, pero nakakapagod siya, sobra.    “After nito, kinausap ko na si Direk Ruel (Bayani), pahinga muna aka. Sobrang na-drain talaga ako emotionally, physically kay Barang,” sey ni Sylvia.

 

 

Gusto ni Sylvia na magbakasyon muna ng six months to one year bago siya magsimula ng bagong teleserye.

 

 

“Sa susunod na teleserye na i-o-offer sa akin, parang feeling ko, wala na akong mabibigay pa na bago, kasi drained ako dito sa Barang, napagod ako nang sobra.   “Gusto ko magpahinga kahit six months to one year, para sa susundo na may i-o-offer, may bago naman ako na maipakita.”

 

 

Matagal na raw kasing hindi nakapagbakasyon si Sylvia sa pag-arte since 2016 noong magbida siya sa teleserye na The Greatest Love. Nagkasunud-sunod daw ang trabaho niya at ang plano niyang magbakasyon noon pa ay laging nauunsiyame.

 

 

“So, hinga muna tayo. Relax na muna ako. Maglalagi muna ako sa probinsya. Iyon ang na sa utak ko ngayon. Rest muna.     “Para pagbalik ko, may bago kayong makita, at hindi talo ‘yung producer na mag-aalok sa akin ng bagong role,” diin pa niya.

 

 

May karapatan namang magkaroon ng break si Sylvia sa pag-arte, lalo na’t nagkasunud-sunod din ang pagpanalo nito ng acting awards.

 

 

Kumbaga, regalo na niya ang mahabang bakasyon sa mga natanggap niyang parangal mula sa Asian Academy for Creative Arts for Best Supporting Actress para sa Huwag Kang Mangamba at Best Actress sa PMPC Star Awards for Movies para sa Jesusa.

 

 

“Ngayon, bawat gawa ko rin naman ng teleserye, hindi ako, honestly, nag-i-expect ng awards. Pero nangyayari palagi, nagkaka-award ako. Nagpapasalamat ako.   “Siguro, nagagampanan kong mabuti ‘yung role ko para sa kanila. Pasasalamat. Nakakatuwa pa rin iyon, until now.”

 

 

Pero duda kami kung makakapagbakasyon si Sylvia nang matagal dahil hindi siya papayag na hindi mangampanya para sa anak na si Arjo Atayde na tatakbong congressman para sa 1st district ng Quezon City.

 

 

Kaya mas magiging abala si Sylvia kapag nagsimula na ang campaign period sa March 2022.

 

 

***

 

 

ANG CEO ng Tesla at founder ng SpaceX na si Elon Musk ang tinanghal na “the richest person in the world”.

 

 

Ayon sa Forbes, ang estimate net worth ni Musk ay $271.3 billion at malapit na siya sa $300 billion mark.

 

 

Nilagpasan na niya ang rival niya sa pagiging richest person in history ang founder ng Amazon at former CEO Jeff Bezos na may net worth na $212 billion.

 

 

Umakyat pa sa market ang mga negosyo ni Musk, tulad ng Tesla na umabot na sa $1 trillion sa market pagkatapos na umorder ng maraming Tesla ang Hertz. Hawak din ni Musk ang minority stake ng SpaceX na may value na $74 billion.

 

 

Bukod kay Bezos, nalagpasan na rin ni Musk ang ibang billionaires tulad nila Bill Gates of Microsoft na may net worth na $135.2 billion; Facebook’s Mark Zuckerberg na ang net worth ay $117.6 billion; at Daniel Ludwig with $4.5 billion net worth.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Largest deal in history: Antetokounmpo, pumirma ng 5-yr supermax $228-M contract sa Bucks

    Nag-trending sa buong mundo ang kumpirmasyon ng Milwaukee Bucks na pumirma na sa limang taon na kontrata ang superstar na si Giannis Antetokounmpo na nagkakahalaga ng $228 million.   Ang nakakalulang presyo ni Giannins ay tinagurian sa NBA na supermax at pinakamalaki sa kasaysayan.   Kaugnay nito sa kanyang statement, todo pasalamat ang NBA’s reigning […]

  • LTFRB: Guidelines sa window hour scheme ng buses nilinaw

    Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang guidelines sa “window hour scheme” ng mga provincial buses sa gitna ng pagkalito sa pagpapatupad ng nasabing panuntunan.     Ayon sa LTFRB, maaari pa rin na magsakay ang mga provincial buses ng mga pasahero mula at papunta sa mga probinisya kahit lagpas na sa window […]

  • Bukod sa kaibigan ay Vilmanian talaga siya: SHARON, humabol sa personal na pag-endorso sa ‘Uninvited’ ni VILMA

    AMINADO si Megastar Sharon Cuneta na bukod na may “special friendship” silang dalawa ng Star for All Seasons ay super Vilmanian ang aktres.   Kung kaya naman hindi kataka-taka na humabol si Sharon para sa kanyang personal na pag-endorso sa pelikulang “Uninvited” na kung saan bida ang paborito niyang aktres na si Vilma Santos.   […]