• May 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Asia’s 1st Grandmaster Eugene Torre iniluklok sa Hall of Fame ng World Chess Federation

Bumuhos ang pagbati matapos iluklok sa World Chess Hall of Fame ng World Chess Federation si Filipino Grandmaster Eugene Torre.

 

 

Sinabi ng 69-anyos na Iloilo native, labis itong natutuwa at “proud” dahil siya ang unang Asian male player na nominado sa FIDE.

 

 

Sinundan nito ang yapak ni dating women’s world champion Xie Jun ng China na ginawaran ng Hall of Fame noong 2019.

 

 

Nakasabay nitong na-induct sa Hall of Fame sina Argentine GM Miguel Najdorf at GM Judit Polgar ng Hungary.

 

 

Mula nang itatag ang Hall of Fame awardees nasa 37 pa lamang na mga pangalan ang kinilala sa prestihiyosong listahan.

 

 

Kung maalala unang naging grandmaster sa Asya si Torre noong 1974 sa edad lamang na 22-anyos at noong 2016 ay kinilala rin siyang Philippine Sports Hall of Fame.

 

 

Mula ng lumabas ang nasabing balita ay bumuhos din sa social media ang pagbati kay Torre mula sa iba’t ibang sports personalities sa bansa pati na sa Philippines Olympic Committee at iba pang mga sports bodies.

 

 

Si Casto Abundo ng Pilipinas na miyembro ng FIDE historical committee ang siyang nag-nominate kay Torre. Ang iba pang bahagi ng komite ay ang chairman na si Willy Iclicki ng Belgium, Andrzej Filipowicz ng Poland at Berik Balgabaev mula sa Kazakhstan.

Other News
  • Pagbabakuna sa mga national athletes sisimulan na

    Sisimulan ngayon Mayo 28 ang pagtuturok ng COVID-19 vaccines sa mga atleta na sasabak sa Olympic at Southeast Asian Games.     Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham Tolentino na mayroon ng abiso ang Inter-Agency Task Force for Management of Emerging Infectious Disease (IATF-EID) sa pagsisimula ng pagbabakuna.     Gaganapin ito sa […]

  • FACE SHIELD ORDINANCE ng QUEZON CITY na NAGPAPATAW ng MULTA at PAGKAKULONG – DAPAT MAAMYENDAHAN!

    Noon pa man ay sumulat na ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa Quezon City Council para ma-amyendahan ang 0rdinance 2965 o ang Mandatory Wearing of Face Shield Ordinance na ipinasa noong August 24, 2020 at nilagdaan ng Mayor noong September 17 2020. Sa kung sino man ang lalabag, ang karampatang parusa na ipapataw, […]

  • Pacers inaasahang mas magiging agresibo, makaraang mabaon sa 2-0 lead ng Knicks

    Inaasahang mas magiging agresibo sa susunod na paghaharap ang Indiana Pacers kontra sa New York Knicks. Nabaon pa kasi sa 2-0 lead ng NBA Eastern Conference semifinals ang Indiana. Sa third quarter ipinakita ng Knicks ang kanilang lakas. Nagbuhos pa ng puwersa sa huling bahagi si Jalen Brunson para sa NYK. Nagtapos ang laban sa […]