Asia’s Songbird, walang alam sa isyu at ayaw ng patulan.: Fans ni REGINE, umalma sa pambabastos ng ‘MYX Music Awards’ sa idolo nila
- Published on November 23, 2024
- by @peoplesbalita
UMALMA ang loyal fans ni Asia’s Songbird Regine Velasquez nang makita nila ang poster na inilabas para sa MYX Music Awards 2024.
Nakakaloka naman kasi na mas malaki pa ang larawan nina BINI members na sina Jhoana at Maloi, at “Pinoy Big Brother” big winners na sina James Reid st Fyang Smith kaysa kay Regine at pinuwesto pa sa pinahuli.
Kahilera naman baba ng Asia’s Songbird sina Elijah Canlas, Gloc 9, Chloe San Jose, Alexa Ilacad, at KD Estrada.
Kaya naman hindi ito pinalampas ng solid supporters ng singer-actress at naglabas ng sama ng loob sa X (dating Twitter):
“Yung Asia’s Songbird na nagbigay ng karangalan sa Pilipinas at isa sa nakipaglaban para sa network noong kasagsagan ng pandemya at shutdown nilagay lang sa ibaba samantalang yung isa na sumang-ayon pa sa pagpapasara ng ABSCBN nilagay sa taas. ANG TANGA LANG!”
“Myx is all about music and OPM tapos yung nasa taas is wala naman naambag sa OPM?! Grabe ang pangbabastos sa isang REGINE VELASQUEZ and GLOC-9!!!”
“Kahit hindi Regine fan or yung mga casuals, nabastusan din talaga sa ginawa na’to ng @myxglobal sa THE Regine Velasquez. Recipient ng MYX Magna Award si Regine, tapos babastusin lng ng ganyan. Wala akong pakialam kung binura nyo na yung photo. BASTOS kayo, Myx! BASTOS KAYO!”
Dahil dito, humingi naman ng sorry ang digital team ng ABS-CBN sa nangyari na ibinahagi sa kanilang Instagram post.
“Dear Ms. Regine, We would like to sincerely apologize the oversight in the promo material we released yesterday.
“We have deep respect and admiration for your craft and remarkable contribution you have given the music industry.
“We will strive to do better moving forward.
“Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.
Sincerely. ABS-CBN Digital Team”
“Oh thank you very much didn’t have to but I appreciate it [smile emoji] #kalma [laughing in tears emoji],” sey pa ni Regine na parang deadma lang at walang alam sa isyu at ayaw nang patulan.
***
INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang klasipikasyon ng mga pelikulang ipalalabas sa linggong ito.
Rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) ang “Wicked,” na halaw sa isang musikal at pinagbibidahan nina pop icon Ariana Grande at Cynthia Erivo.
Sina Board Members JoAnn Bañaga, Eloisa Matias, at Neal Del Rosario ang nagrebyu ng pelikula.
Sa PG, kailangang kasama ng mga magulang o nakatatanda ang edad 12 at pababa sa loob ng sinehan.
Rated PG din ang “Conclave,” na sumentro sa moralidad at pulitika sa loob ng simbahang Katolika, at “Highlight,” na hango sa konsert ng kilalang Korean band na Highlight.
Ang “Kang Mak” mula Indonesia ay hango sa Thai horror comedy na “Pee Mak,” ay Rated R-13 (Restricted-13). Ibig sabihin, edad 13 at pataas lamang ang pwedeng manood ayon sa desisyon nina BMs Jerry Talavera, Juan Revilla, at Frances Hellene Abella.
“Ating hinihikayat ang mga magulang na responsableng gabayan ang mga bata para sila’y matutong makapili ng angkop na palabas sa ating mga sinehan,” sabi ni MTRCB Chairperson at CEO Sotto-Antonio.
(ROHN ROMULO)
-
Gobyerno, inalis na ang restriksyon sa mga non-essential travel ng mga Filipino
INALIS na ng pamahalaan ang restrictions na ipinatupad nito sa mga non-essential travel ng mga Filipino sa gitna ng COVID-19 pandemic. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ito ang naging desisyon ng COVID-19 task force ng pamahalaan, araw ng Lunes. Nagtakda rin aniya ang task force ng mga kondisyon sa non-essential outbound travel ng […]
-
Full face to face classes ng public schools sa Nobyembre 2, tuloy – DepEd
TULOY pa rin ang pagpapatupad ng limang araw na face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan simula Nobyembre 2 sa kabila ng pagkumpirma ng Department of Health (DOH) na nakapasok na sa Pilipinas ang Omicron XBB subvariant at XBC variant ng COVID-19. Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, wala pa silang anumang amendments […]
-
Rightsizing, hindi para sibakin ang empleyado -PBBM
NILINAW ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang rightsizing ay hindi para sibakin sa trabaho ang mga empleyado kundi magsisilbi itong tool o kasangkapan para “i-upskill at reskill” ang kasalukuyang government workforce para mapahusay ang state services at mga programa. Nauna rito, ipinag-utos ng Pangulo ang pag-assess sa mga posisyon sa ehekutibong sangay ng […]