Assassination plot laban kay Digong Duterte, walang basehan – Malakanyang
- Published on March 26, 2025
- by @peoplesbalita
WALANG basehan ang tila pinangangambahan ni Vice-President Sara Duterte na security threats laban kay dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte sakali’t mapabalik ang huli sa bansa.
Si Digong Duterte ay kasalukuyang nakaditine sa International Criominal Court (ICC) detention center dahil sa kasong crimes against humanity na isinampa laban sa kanya.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinagot ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang tila ginawang pagkukumpara ni VP sara sa kanyang ama na si dating Pangulong Duterte kay kay dating Senador Ninoy Aquino kung pipilitin pa rin nitong umuwi sa Pilipinas
Napaulat kasi na bahagi ng naging talumpati ni Vice-President Sara Duterte sa meet-and-greet event na inorganisa ng Duterte supporters sa Het Malieveld The Hague, Netherlands ay ang naging tugon nito sa kanyang ama nang tanungin siya kung maiuuwi pa siya ng Pilipinas.
“Magiging Ninoy Aquino Jr. ka…” ang babala ni VP Sara sa kanyang ama na si dating Pangulong Duterte sabay sabing maaaring magaya ito kay dating Senador Ninoy Aquino kung pipilitin pa rin nitong umuwi sa Pilipinas
Nagpahayag ng pag-aalinlangan at pagdududa si Castro sa pangamba na inihahayag ngayon ng pamilya Duterte, hayagang kinuwestiyon ni Castro ang pinagmulan ng kuwento.
Tinukoy din ni Castro ang naging pahayag ni VP Sara na may banta sa kanyang buhay noong kasagsagan ng girian nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni Castro na wala ngang naipakitang ebidensiya si VP Sara sa National Bureau of Investigation (NBI) o sa Philippine National Police (PNP) hinggil sa security risks sa kanya at sa kanyang ama.
“So, saan lamang po ito nakukuha, kailangan po natin kasi na mga materyales na mga ebidensiya bago po magsagawa ng ganitong mga klaseng statements, wala pong katotohanan iyan,” diing pahayag ni Castro. (Daris Jose)
-
DOTr nagbabala sa mga opisyales ng rail lines sa nagbabantang “beep” cardshortage
NAGBIGAY ng babala ang Department of Transportation (DOTr) sa mga opisyales ng rail lines na magkaroon ng alternatibong paraan dahil sa nagbabantang kakulangan ng mga beep cards sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3), Light Rail Transit Line 1(LRT1) at Light Rail Transit Line 2 (LRT 1). Ito ay matapos hindi nakapag-deliver ang […]
-
Aminadong may pasulyap-sulyap na date: IVANA, ipinagdiinang single pa rin at walang sinisirang pamilya
IPINAGDIINAN ni Ivana Alawi na single na single pa rin siya hanggang ngayon dahil wala raw siyang time na harapin ang kanyang buhay pag-ibig. “Wala nga akong time sa sarili ko, kahit nga sa family ko, minsan hindi kami nagkakasabay kumain,” pag-amin ng aktres at vlogger sa naganap na thanksgiving party niya para sa entertainment media kahapon, March 7, […]
-
LeBron, hindi na rin maglalaro sa Tokyo Olympics
Idineklara ni NBA superstar LeBron James na hindi na rin siya maglalaro sa nalalapit na Tokyo Olympics sa buwan ng Hulyo. Ginawa ni James ang pahayag matapos na eliminated na ang Los Angeles Lakers sa NBA playoffs nang masilat ng Phoenix Suns sa loob ng anim na laro sa first round. […]