Atas ng DSWD sa mga regional director: Bilisan ang pagpapalabas ng food packs
- Published on August 4, 2023
- by @peoplesbalita
SINABIHAN ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang mga regional director na bilisan ang pamamahagi ng relief packs sa mga lugar na apektado ng kamakailan lamang na bagyo at Habagat.
Ani Gatchalian, nagpalabas ang National Resource Operations Center (NROC) ng libo-libong kahon ng family food packs (FFPs) sa nakalipas na dalawang araw.
“I hope all the RDs are allocating these and releasing them as fast as NROC. And we hope that the stakeholders get them fast. The goods should not sleep in our warehouses,” ayon kay Gatchalian.
Sinabi ng mga regional director, mamamahagi sila ng mga relief goods alinsunod sa delivery plan na dinisenyo ng DSWD Disaster Response and Management Group.
Batay sa pinakabagong data mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), makikita na ang death toll mula sa pinagsamang epekto ng Southwest Monsoon o Habagat at Typhoon Egay ay umakyat sa 27 “as of August 2.”
Tinatayang mahigit sa 2.8 milyong katao, o 765,000 pamilya ang apektado ng tuloy-tuloy na pag-ulan at pagbaha sa 4,646 barangay sa buong bansa. Sa nasabing bilang, may 289,713 indibiduwal ang na-displaced at inilipat sa 677 evacuation centers.
Idineklara naman ang state of calamity sa 154 lugar sa bansa dahil sa epekto ng Egay at Habagat. Ang mga lungsod at munisipalidad ay matatagpuan sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, at Cordillera Administrative Region.
Ayon sa NDRRMC, 595 lugar ang nananatiling baha “as of Wednesday.”
Tinatayang P187.4 milyong halaga ng tulong ang ibinigay sa mga apektadong rehiyon. (Daris Jose)
-
Inabandonang bagong panganak na sanggol, na-rescue sa Malabon
MATAGUMPAY na nailigtas ng mga awtoridad ang isang inabandonang bagong panganak na sanggol sa gilid ng kalsada sa Malabon City, Lunes ng umaga. Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, dakong alas-6:40 ng umaga nang mapansin ng saksing si Marlyn Amado, 20, Vendor ng Brgy. Potrero ang isang pulang eco bag […]
-
Olympics ‘di pa rin matutuloy sa 2021
Tokyo – Nangangamba ang organizers ng 2021 Tokyo Olympics na maaaring hindi pa rin matuloy ang summer games kung wala pang made-develop na vaccine o gamot sa COVID-19. Ayon kay Tokyo Olympics organizing committee president Yoshiro Mori, krusyal para sa na-reschedule na summer games ang vaccine o gamot upang matuloy ang event. “It […]
-
VILMA, kumpirmadong sa Senado na tatakbo at sa Congress naman si RALPH; palit-puwesto pag parehong nanalo
EMOSYONAL si Andi Eigenmann dahil ang panganay niyang anak na si Ellie Ejercito ay mawawalay na naman sa kanya. Ang set-up talaga ni Ellie, either nasa Manila kunsaan, kasama niya ang ama na si Jake Ejercito or nasa Siargao ito kasama si Andi at ang mga kapatid niya rito. After ng […]