• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Australia ‘di bibigyan ng special treatment ang mga tennis players na naka-quarantine

Tiniyak ng Australian health authorities na walang “special treatment’ sa mga tennis player na naka-quarantine bago ang pagsisimula ng Australian Open.

 

Sinabi ni Victoria Premier Daniel Andrews, magiging pantay-pantay ang pagtrato nila sa lahat ng mga naka-quarantine.

 

Ang nasabing hakbang ay para hindi na malabag ang anumang health protocols na ipinapatupad.

 

Nauna rito, ilang tennis players ang nagparating ng kanilang reklamo sa social media kung saan sinasabing nakaranas sila ng hindi magandang trato.

 

Magugunitang nasa 72 manlalaro ang sinasabing nakasalamuha ng apat na COVID-19 cases kaya sila ay pinigilang makalabas sa kanilang mga hotel sa loob ng 14 na araw.

 

Magsisimula naman ang nasabing torneyo sa Pebrero 8.

Other News
  • Matapos na umalma ang KimPau fans sa binagong playdate: Inaabangang movie nina KIM at PAULO, sa March 26 na mapapanood

    SA isyung pag-unfollow ng dalawang sikat na Kapamilya stars na sina Kim Chiu at Paulo Avelino aa social platforms ng Star Cinema ay sinasabing naimpluwensiyahan daw ng huli ang una. Kumbaga dahil sa kabaitan daw ni Kim ay hindi raw magawa ng aktres na i-unfollow ang isang film production na malaki rin naman ang naging […]

  • Ads April 12, 2022

  • Para kay PBBM “best way to drum up business”: Formula 1 racing

    PARA kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang “best way” para mag-drum up ng negosyo ay sa pamamagitan ng  Formula 1 racing.     Taliwas ito sa paniniwala ng iba ani Pangulong Marcos na ang “playing golf” ang “best way to drum up business.”     Ang pahayag na ito ng Pangulo na makikita sa kanyang […]