Awarding ng tseke sa 4 Olympic medalists sa Malacañang
- Published on August 16, 2021
- by @peoplesbalita
Gusto ng Philippine Sports Commission (PSC) na pagsabayin ang pagbibigay ng cash incentives at awards kina Olympic Games medalists Hidilyn Diaz, Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Felix Marcial sa Malacañang.
Sinabi kahapon ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez na naghihintay sila ng ‘go signal’ mula sa Office of the President para sa pamamahagi ng mga tseke nina Diaz, Petecio, Paalam at Marcial.
“We are awaiting for the green light of Malacanang to award these checks,” ani Ramirez kahapon sa PSC Hour program. “The President mentioned that he wants a specific date na ibibigay niya nang personal ang mga prizes sa mga atleta.”
Kasalukuyan nang inaayos ng sports agency ang P10 million check at bonus na P5 milyon sa Olympic gold medalist na si Diaz, ang tig-P5 milyon ng mga silver medal winners na sina Petecio at Paalam at P2 milyon ng bronze medalist na si Marcial.
Magbibigay pa si Pangulong Duterte kay Diaz, tinapos ang 97 taon na paghihintay ng bansa sa kauna-unahang Olympic gold, ng bonus na P3 milyon bukod sa isang house and lot sa Zamboanga City.
Sina Petecio at Paalam ay tatanggap naman ng tig-P2 milyon at P1 milyon kay Marcial.
Makukuha rin nina Diaz, Petecio, Paalam at Marcial mula sa Presidente ang kani-kanilang Order of Lapu-Lapu award.
May matatanggap namang tig-P200,000 mula sa Malacañang ang mga non medalists.
“Aside from that we are adding P250,000 sa lahat ng atleta at coaches na pumunta ng Tokyo (Olympics). Very fortunate itong 19 delegates,” ani Ramirez.
-
Walang banta sa buhay ni Arnie Teves-PBBM
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang banta sa buhay ni Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves, idinadawit sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo “Ang sinasabi niya may banta daw sa buhay niya. Kami naman, the best intelligence we have is that we don’t know of any threat. Saan mangggaling […]
-
Camarines Norte attack ng NPA sa mga sundalo, pasok sa int’l rules of war, ipinagkibit-balikat ng Malakanyang
IPINAGKIBIT-BALIKAT lang ng Malakanyang ang iginiit ng Communist Party of the Philippines (CPP) na ‘justified’ ang pag-atake ng New People’s Army sa Camarines Norte na ikinasawi ng limang pulis noong nakaraang Biyernes. “Well, depende po yan noh? hIndi ko po alam iyong circumstance ng sinasabi nila noh? pero ang kinukuwestiyon po ng marami eh […]
-
DOTr: Hiniling na isama ang bike lanes sa Google maps
Hinihiling ng Department of Transportation (DOTr) na isama ang mga bike lanes sa dashboard ng kilalang real-time navigation app na Google Maps upang matulungan ang mga seklista sa kanilang paglalakbay. Nakikipag-ugnayan na ngayon ang DOTr sa Google tungkol sa kanilang hiling na isama ang mga bike lanes sa Google maps. […]