• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ayaw i-reveal kung ano ang magiging partisipasyon: RURU, walang problema na kasama na si MIGUEL sa ‘Running Man Philippines 2’

AYAW i-reveal ni Ruru Madrid kung ano ang magiging partisipasyon niya sa season 2 ng ‘Running Man Philippines’ (RMP) na kasalukuyang nagte-taping ngayon sa South Korea.
“Ay! Abangan! Abangan!” ang nakangiting pakli ni Ruru sa interview sa kanya sa wedding anniversary party nina Gladys Reyes at Christopher Roxas.
Samantala, tulad ng alam na ng publiko, dahil ongoing ang ‘Black Rider’ (kung saan magkasama sina Ruru at Gladys) ay new cast member ng RMP si Miguel Tanfelix na dating ka-loveteam ni Bianca Umali na kasintahan ngayon ni Ruru.
At paglilinaw ni Ruru sa mga nag-isip na pinalitan siya ni Miguel sa RMP, “Parang ano po, additional.”
Wala namang problema na magkasama sa RMP sina Ruru at Miguel at hindi naman raw kailangan ipagpaalam kay Ruru na isasali si Miguel sa show.
“Wala. Wala na pong paalam. I don’t think kailangan pa po ng paalam.
“Kasi, I mean… ang tagal na panahon na, di ba? “Parang wala nang isyu,” pahayag ni ni Ruru.
Sa tanong naman kay Ruru kung ano si Bianca sa buhay niya…
“Si Bianca ang buhay ko” ang masayang bulalas ng aktor.
Si Bianca raw ang babaeng pakakasalan niya.
“Siya na, siya na! Wala nang pagdadalawang-isip. “It’s my final answer!
“Always and forever, yun ang sagot ko.
“I mean siyempre kapag nagmahal, you’re hoping na talagang siya na.
“Hindi naman natin alam kung ano yung mga mangyayari sa future but pipilitin naming piliin ang isa’t isa araw-araw,” napaka-sweet na sinabi pa ni Ruru.
(ROMMEL L. GONZALES) 
Other News
  • Empowering Film ‘She Said’ Based on True Events

    TWO-TIME Academy Award® nominee Carey Mulligan (Promising Young Woman, An Education) and Zoe Kazan (The Plot Against America, The Big Sick) star as New York Times reporters Megan Twohey and Jodi Kantor, who together broke one of the most important stories in a generation— a story that shattered decades of silence around the subject of […]

  • Uniform travel protocols para sa lahat ng LGUs, inaprubahan ng IATF

    INAPRUBAHAN kahapon ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Uniform travel protocols para sa lahat ng Local Government Units (LGUs).   Ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ang siyang gumawa ng uniform travel protocols “for land, air and sea” sa pakikipag-ugnayan sa Union of Local Authorities of the Philippines, League of Provinces of […]

  • 2nd hat-trick dinale uli ni De los Santos

    MULING umiskor si Orencio James  Virgil ‘OJ’ de los Santos sa pangalawang sunod na pagkakataon na Manalo ng tatlong gold medal sa isang araw lang sa buwang ito sa mga online karate tournament para upang sementuhan ang pagiging world No. 1 e-kata karateka.   Pinananalunan nitong Disyembre 21 ng gabi ng 30 taong-gulang, may taas […]