• February 10, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ayaw makisawsaw sa gulo sa Myanmar

WALANG balak makisawsaw ang gobyerno ng Pilipinas sa nagaganap na kaguluhan sa gobyerno ng Myanmar.

 

Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque, makaraang magkasa ng kudeta ang militar laban kay Myanmar State Council Aung San Suu Kyi at ilan pang matataas na opisyal dahil sa “election fraud” o dayaan sa eleksyon.

 

Ani Sec. Roque, internal matter ang nagaganap ngayon sa Myanmar at hindi na ito dapat panghimasukan ng pamahalaan.

 

Sa kabilang dako, nakikipag-ugnayan naman ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Filipino community sa Myanmar upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

 

Bukod dito, handa ang pamahalaan na magpatupad ng emergency repartriation para sa mga Filipinong apektado ng tensyon sa Myanmar.

 

Base sa abiso ng embahada sa naturang bansa, kailangan lamang na magparehistro para makasama sa listahan ng mga ililikas sakali’t lumala ang sitwasyon doon. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Maging Sino Ka Man’ nila ni Barbie, papalit sa ‘Voltes V: Legacy’: DAVID, may gagawing teleserye at movie sa China

    NAGING matagumpay ang ribbon-cutting at blessing ng bagong branch ng Blue Water Day Spa noong Agosto 11, 2023 na pinangunahan ni Pambansang Ginoo David Licauco.  Ang pinakabagong sangay nito ay matatagpuan sa 2nd Floor South Wing ng Estancia Mall, Capitol Commons, Meralco Avenue, Ortigas Center, Pasig City. Bukod sa Kapuso actor na talaga namang pinagkaguluhan at […]

  • Online scams talamak, publiko mag-ingat – DILG

    PINAG-IINGAT ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang publiko sa patuloy na pagdami ng mga online scams ngayong holiday season.     Sa pahayag ni DILG Secretary Benhur Abalos, pinayuhan nito ang publiko na manatiling alerto laban sa online scams na mananamantala ng mga mamimili o consumers.     Ani Abalos, maaaring […]

  • NADINE, nagsimula nang mag-shooting at si DIEGO ang napiling ka-partner; netizens nag-react sa teaser photos

    NAGSIMULA na ngang mag-shooting si Nadine Lustre para sa comeback film niya sa Viva Films at sa direksyon ni Yam Laranas.     Nag-post na si Direk Yam ng teaser photos sa kanyang Instagram account na may caption na, “GREED @vivamaxph #actor@nadine @diegoloyzaga #filmmaking #storytelling #cinema #cinematography#filmproduction @viva_films x @meshlabprod #entertainment.”     Marami namang […]