• February 10, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ayon Kay Executive Secretary Lucas Bersamin…

‘MARTIAL LAW, TERM Extension wala sa isip ni PBBM
PINANINDIGAN ng Malakanyang na wala ni isa man sa Batas Militar at term extension ang bahagi ng agenda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.’ kasunod ng reorganisasyon ng National Security Council (NSC).
Nauna rito, ipinalabas ni Pangulong Marcos ang Executive Order 81 na muling nag-organisa sa NSC.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na nakatuon ang administrasyong Marcos sa pagsusulong ng ‘economic prosperity ng bansa, gawing maayos ang kalusugan at kapakanan ng mga mamamayang filipino at kompletuhin ang kanyang ‘legacy projects.’
“What he has in mind is the economic prosperity of the country, the health and welfare of the people, especially those who are in the lower classes, and the prioritization of his legacy projects,” ang sinabi ni Bersamin.
“It’s not about martial law. It’s not about extending himself in power. No, he has no thinking about that. He does not even think in those terms,” dagdag na winika nito.
Ang pahayag na ito ni Bersamin ay tugon sa mga kritiko na kinukuwestiyon ang Executive Order 81 na nag-organisa sa NSC.
Tinuran pa ni na “power falls within the President’s responsibility to ensure that whoever advises him is within his fullest trust and confidence.”  ( Daris Jose)
Other News
  • Eala napasakamay ang unang korona sa professional tennis

    BUMUWELTA sa makupad na umpisa si Alexandra ‘Alex’ Eala upang tagpasin si Yvone Cavalle-Reimers, 5-7, 6-1, 6-2, at sorpresang kopoin ang korona ng International Tennis Federation (ITF) W15 Manacor Tournament sa Spain nitong Linggo ng gabi.     Ang pananalasa ng 15-anyos na Pinay tennis sensation ang nagkaloob sa kanya ng unang professional career title […]

  • JUANCHO, na-witness lahat kung paano ipinanganak ni JOYCE ang kanilang baby boy

    BREAK na si Ciara Sotto sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Ian Austin.     Nagpa-Q&A ito noong July 2, birthday niya mismo.     May nagtanong kay Ciara kung sila pa ba ng boyfriend.          “Nope, I’m single now,” ang pag-amin niya.          “I’m single again,” natawang sabi pa niya. […]

  • Sandiganbayan, binasura ang P276-M ill-gotten wealth case laban sa pamilya Marcos

    BINASURA ng Sandiganbayan ang P276-million ill-gotten wealth case laban sa namayapa at dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa dating Unang Ginang Imelda Marcos, at kanilang associate na si Roman Cruz dahil sa tinatawag na ‘inordinate delay’ at paglabag sa ‘due process’.   Ang kaso sa ilalim ng Civil Case 0006, tinutukoy sina Imelda at kanyang […]