Ayos lang iyan Sotto!
- Published on February 26, 2021
- by @peoplesbalita
ANG sakit naman nang nangyari kay National Basketball Association prospect Kai Zachary Sotto nang hindi na tanggaping bumalik at makapaglaro para sa Team Ignite na kumakampanya sa kasagsagang 20th NBA G League 2021 sa Estados Unidos ng Amerika dahil sa Coronavirus Disease 2019.
“Kai and the team both understood the challenges for him to rejoin Ignite given the current international travel constraints, quarantine times and health and safety protocols,” namutawi kay NBA G League president American Shareef Abdur-Rahim nitong Martes sa isang inisyung pahayag.
Dinagdag pa niyang maaaring maging bahagi pa rin ang 18 year-old, 7-foot-3 Pinoy cage phenom ng Ignite sa hinaharap at dinalangin ang patuloy na tagumpay ng player hanggang sa maabot ang pangarap na makadating sa NBA ng USA rin.
Umalis ng America sa katapusan ng Enero at dumating ng ‘Pinas nitong Pebrero 2 sa pagpayag ng kanyang coach sa Ignite ang tubong Las Piñas City na basketbolista upang mag-reinforce dapat sa Gilas Pilipinas para sa 30th International Basketball Federation (Fiba) Asia Cup 2021 Qualifiers third & final window sa bansa nitong Peb. 18-22.
Pero kinansela ang event sa Clark dahil sa Covid-19, inilipat man sa Doha pero ‘di rin natuloy sanhi ng pandemya kaya naudlot din ang ‘binyag’ niya sa PH men’s senior team bago bumalik ng Tate para humabol sa Ignite.
Wala pang may kasalanan sa nangyari, kahit ang handler ni Sotto. Gusto lang niyang matulungan ang national quintet kahit isang panalo na lang kailangan sa sa tatlo pang laro sa torneo upang umabante sa FIBA Asia Cup 2021 tournament proper sa darating na Agosto sa Jakarta, Indonesia.
May 5-3 win-loss record ang Ignite na ginigiyahan ni Fil-Am Jalen Green.
Buhat sa Opensa Depensa, ayos lang iyan Kai. Basta tuloy mo pa rin ang pangarap mo. Kayod lang, maabot mo rin ang maging unang homegrown Pinoy na makapaglaro sa world major cage league. (REC)
-
NegoSeminar inilunsad sa Navotas
SA kabila ng COVID-19 pandemic, ang pamahalaang lungsod ng Navotas ay patuloy na nagsagawa ng seminar sa mga interesadong residente na nais na magtayo ng maliit na negosyo sa lungsod. Ayon kay Mayor Toby Tiangco, ang NegoSeminar ay inilunsad higit isang buwan na nakalipas na naglalayong turuan ang mga interesadong residente na apektado ng […]
-
HEART, biglang nag-iba ang mood nang matanong sa pagkakaroon ng anxiety attack
NAG-WORRY ang maraming netizen na nanonood ng Instagram Live ni Heart Evangelista-Escudero dahil bigla itong nag-hyperventilate. Dahil nakaramdam ng biglaan anxiety si Heart, pinutol nito ang kanyang IG Live at nagpahumanhin sa mga nanonood sa kanya. “I think I have to go. I need to calm down. I don’t like talking […]
-
Obiena kumpiyansa sa tsansa sa Olympic gold
Habang lumalapit ang mga araw para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan ay pataas nang pataas ang kumpiyansa ni national pole vaulter Ernest John Obiena. “I think that I have the best chances than all that I have had all throughout the years,” sabi ng 2019 Southeast Asian Games gold medalist sa […]