• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ayuda imbes na fare hike sa PUVs, isinusulong ng LTFRB

Binabalangkas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga programang magbibigay tulong, suporta at ayuda sa mga driver at operator ng mga pampasaherong sasakyan sa bansa.

 

 

Tugon ito ng ahensiya sa petisyon ng transport group na magtaas ng P3 sa minimum na pasahe sa passenger jeepney  dulot nang serye ng oil price hike .

 

 

Sumulat na umano ang LTFRB sa Department of Energy upang pag-aralan ang uniform fuel subsidy ng mga pampublikong sasakyan sa lahat ng gasoline stations sa buong bansa.

 

 

Inerekomenda rin ng ahensiya sa IATF na dagdagan ang umiiral na 50 percent passenger capacity sa mga pampublikong sasakyan kasunod ng pagluluwag sa quarantine restrictions sa Metro Manila.

 

 

Ayon sa LTFRB,  maghahanap ng alternatibo ang gobyerno upang tugunan ang request ng transport group na hindi maaapektuhan ang mga commuters.

 

 

Una nang sinopla ng DOTr ang P3 fare increase petition ng transport groups dahil sa mas maraming maaapektuhang mamamayan kung aaprubahan ito ng ahensiya. (Daris Jose)

Other News
  • Reunion concert nila ni Gabby, mega successful: SHARON, ‘di napigilang maging emosyonal at nag-sorry kay KC

    NASAKSIHAN namin ang mega successful na historical reunion concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na ginanap sa SM MOA Arena last Friday (Oct. 27), kung saan nagkaroon ng special participation ang kanilang only daugther na si KC Concepcion.     Si KC nga ang unang pinakita sa kanyang recorded spiel, na nagpakilala sa dating […]

  • ANDREA, excited na bagong project kahit umeere pa ang ‘Legal Wives’; pagtatambal nila ni JOHN LLOYD, malabo pa

    LEGAL na ang pagsasama ng mga Kapuso stars na sina Mark Herras at Nicole Donesa ang kanilang pagsasama.     Nagpakasal na nga ang dalawa noong September 8 sa Quezon City Hall.     Kasabay ng pag-announce nila sa kanilang mga social media accounts ay ang pag-upload ng kanilang civil wedding video sa kanilang YouTube […]

  • Administrasyon ni PBBM, palalakasin ang mga kababaihan sa pamamagitan ng ICT education, skills training – DICT

    MAYROONG mga programa ang administrasyong Marcos na naglalayong turuan at paghusayin ang kasanayan ng mga kababaihang Filipina ukol sa information and communications technology (ICT).     Isang paraan ito upang  mabigyan ng kapangyarihan ang mga kababaihang Filipina,  ayon kay Patricia Nicole Uy, head executive assistant (HEA) ng Kalihim ng  Department of Information and Communications Technology […]