• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ayuda sa mga Bulakenyong magsasaka, pinangunahan ni Fernando

LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ni Gob. Daniel R. Fernando ang pagkakaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng mga kagamitan sa pagsasaka sa ginanap na “Distribution of STW and Assorted Vegetable Seeds for Farmers Affected by Water Shortage” sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito.

 

Tumanggap ng tig-isang shallow tube well ang may 39 Farmers’ Cooperative Associations (FCAs) mula sa 10 munisipalidad kabilang ang Lungsod ng Malolos, Bulakan, Calumpit, Paombong, Balagtas, Bocaue, Bustos, Guiguinto, Pandi at Plaridel.

 

Gayundin, 10 kooperatiba na kabilang sa FCAs ang pinagkalooban ng tig-isang water pump mula sa National Irrigation Administration.

 

Nagpamahagi din ang Provincial Agriculture Office ng mga sari-saring buto ng gulay sa mga magsasakang apektado ng kakulangan ng irigasyon tulad ng buto ng talong, kamatis, ampalaya, patola, siling panigang okra, pechay, kalabasa, upo, sitaw at siling pula upang kanilang mapagkakitaan.

 

Samantala, nanawagan si Fernando sa mga nasa sektor ng pagsasaka na magkaisa at magtulungan lalo na sa oras ng kagipitan.

 

“Huwag po nating pabayaan ang mga makinaryang ito. I-share po natin sa ibang grupo at magkaisa po tayo. Kailangan natin ng pagkakaisa at makakaasa naman po kayo na kami sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, gayundin ang opisyales ng inyong mga munisipyo ay nakasuporta sa inyo,” anang punong lalawigan.

 

Kaalinsabay nito, nagkaloob ang Department of Agriculture sa pamamagitan ng Provincial Veterinary Office ng ayuda sa may 227 backyard raiser na apektado ng African Swine Fever mula sa bayan ng Guiguinto sa ginanap na ASF Indemnification Program. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Speaker Romualdez, DSWD, lokal na opisyal namahagi ng P140-M cash aid sa 30K Davaoeños

    NAGKAKAHALAGA ng P139.81 milyon ang cash assistance na naipamahagi sa 29,906 benepisyaryo sa Davao City, Davao de Oro at Davao del Norte sa apat na araw na payout ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP), isang flagship welfare program ni Pangulong Bongbong Marcos.     Ang pamimigay ng ayuda ay pinangunahan ni Speaker […]

  • NURSING STUDENT UTAS SA SUNOG SA MALABON

    ISANG 20-anyos na babaing nursing student ang nasawi matapos umanong ma-trap sa nasusunog nilang tirahan sa Malabon City, Miyerkules ng umaga.     Natutulog umano ang biktimang si alyas “Nyanza”, working student ng Our Lady of Fatima University sa ikalawang palapag ng kanilang tirahan sa A. Bonifacio St., Brgy. Tugatog nang sumiklab ang sunog dakong […]

  • Mga Pinoy sa Lebanon, hinikayat ng DFA na umuwi na ng Pinas

    NANAWAGAN ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Overseas Filipino Workers sa Lebanon kaugnay sa pagapapauwi sa Pilipinas sa Gitna ng tensyon sa pagitan ng Hezbollah at Israel.   Sa ulat, nanawagan kasi ang Israel sa mga indibidwal sa Southern Lebanon na lumikas na, bagay na ginawa nito bago pa ang pag-atake sa Gaza. […]