• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Baby girl ang first child nila ni Ben: IZA, nag-post kasama ang kanyang mommy at humihingi ng gabay

NAGSIMULA na palang mag-grind ang next movie ng Viva Films, ang “Martyr or Murderer” na prequel ni Director Darryl Yap sa first blockbuster movie niyang “Maid in Malacanang.”  

 

 

Nagkaroon muna sila ng photo shoot ng cast ng movie, maliban sa gaganap na young Corazon Aquino na pinipili pa nila.

 

 

Kaya may mga nai-post na silang photos ni young Ferdinand E Marcos, Marco Gumabao at young Ninoy Aquino, Jerome Ponce.  Si former Manila Mayor Isko Moreno ang gaganap na Senator Ninoy Aquino.

 

 

Retained naman ang bumuo ng cast ng “MiM” na sina Cesar Montano as President Ferdinand E. Marcos and Ruffa Gutierrez as Madame Imelda R. Marcos.  Si Giselle Sanchez pa rin ang gaganap na President Cory Aquino.  Si Cindy Miranda, dating Bb. Pilipinas Tourism ’13 na isang Viva Artist, ang magiging young Imelda R. Marcos.

 

 

On location na ang “Martyr or Murderer” sa Ilocos Norte ngayon.  May two months si Direk Darryl na tapusin ang movie na ipalalabas sa mga sinehan sa February, 2023.

 

 

                                                            ***

 

 

BABY girl pala ang magiging first child ng mag-asawang Ben Wintle at Iza Calzado.  

 

 

Nag-post si Iza sa Instagram na kasama niya ang mommy niyang si Mary Ann Ussher noong nabubuhay pa ito. Binanggit ni Iza na wala siya masyadong clear memories ng kanyang childhood at naaalaala lamang niya ito sa pamamagitan ng mga photos.

 

 

“Dear Mama, 21years now since you left this world, yet it seems like you always make sure I turn out well, I know a lot of what’s happened in my life are dreams you had for yourself and for me. When I experience those moments, I truly feel your guiding light.

 

 

“As I prepare to become a mother, I ask for your continued guidance and support. This won’t be an easy ride but I know it will be an incredibly fulfilling one.  Pretty soon, I will have my own child, a little Mary Ann, a little Iza.

 

 

“Your dreams and mine coming together for this beautiful blessing.  I promise to take lots of photos with my baby so she gets to keep those memories with her when the time comes for me to be with you again.

 

 

“Pero matagal pa yun, Ma. Pakibulong kay God please. Malayo pa ang lalakbayin ko at alam ko kasama kita dahil and nanay, pumanaw man sa mundo, hindi kailanman iiwan ang kanyang anak.  Ikaw ang nagpatunay nito.   I love you, Ma.”

 

                   ***

 

 

SA ginanap na “Signed for Stardom” for 2022 ng Sparkle GMA Artists, they welcomed two established artists into their fold: Jayson Gainza and Bianca Manalo.  

 

 

Yes, new Kapuso artist na si Bb. Pilipinas 2009 winner.  Thankful and grateful si Bianca sa GMA.  Kasama niyang dumating sa contract signing ang partner niyang si Senator Sherwin Gatchalian.

 

 

Gulat but thankful naman si Jayson, na nagsimula sa Pinoy Big Brothers ng ABS-CBN, sa tiwala ng GMA sa kanya.  Soon to announce na ang GMA ng mga projects na gagawin nila para kina Bianca at Jayson, although si Jayson ay naka-two seasons din ng “Happy ToGetHer” na produced ni John Lloyd Cruz sa GMA, naka-season break lamang sila ngayon pero babalik ulit this December.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Looking forward siya sa kumpletong tulog: AICELLE, nag-a-adjust pa sa pag-multi-task sa dalawang anak

    PINOST na ni Kapuso singer Aicelle Santos via Instagram ang bagong miyembro ng kanilang pamilya.       Girl ulit ang second baby ni Aicelle na sinilang niya bago sumapit ang Pasko.       Walang binigay na mga detalye si Aicelle kung kelan at saan niya sinilang ang second baby nila ni Mark Zambrano. […]

  • Ads February 6, 2020

  • Hawaan ng COVID-19 sa NCR, bumagal

    BUMABA pa sa 1.2 na lamang ang COVID-19 reproduction number sa Metro Manila hanggang noong Enero 19, mula sa dating 2.95 noong nakalipas na linggo.     Sa kabila nito, nilinaw naman ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na nananatili pa rin ang rehiyon sa “very high risk” classification kaya’t pinayuhan ang mga mamamayan […]