• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Bago ang Ugas fight, Pacquiao kumunsulta kay Mommy D sa political plans’

GENERAL SANTOS CITY – Buong suporta ang ibibigay ni Mrs. Dionesia Pacquiao para sa anak makalipas na tanggapin ni Sen. Manny Pacquiao ang nominasyon ng PDP-Laban Pimentel faction para tumakbo ito sa pagka-pangulo sa 2022 elections.

 

 

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo GenSan, inihayag ni Mommy D na bilang ina marapat lang na sumuporta sa kagustuhan ng anak na maglingkod sa bayan.

 

 

Aniya, masaya siya sa mabuting hangarin ni Manny kahit pa may kaakibat itong napakalaking responsibilidad na balang araw ay maging responsibilidad na rin ng buong pamilya.

 

 

Inamin nang itinuturing na “Pacmom” na hindi pa noon nakalipad si Manny ng Amerika para sa kanyang boxing match ay kinonsulta na siya nito para sa pagtakbo bilang presidente.

 

 

Sinabi ni Mommy D na ipinauubaya na lamang nito sa Panginoon ang lahat at sinabing kumpiyansa ito sa kakayahan ng anak.

 

 

Samantala, sinabi naman na nito na hindi siya nababahala na maging sentro ng mga kritisismo si Manny sabay sabing hindi ito magkukulang sa pagbibigay ng payo.

 

 

Sinabi naman nito na nakatulog siya ng mahimbing kagabi dahil nakita rin nito sa mukha ng anak na positibo sa pagtakbo bilang presidente ng bansa.

Other News
  • P300-B loan ng Duterte gov’t sa BSP, fully paid na – DOF

    BINAYARAN na umano ng “buo” ng pamahalaan ang natitirang P300 bilyon na provisional advances sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong araw.     Mas maaga kaysa sa petsa ng maturity na June 11 ayon sa Department of Finance (DOF).     Ito ay alinsunod na rin sa layunin ni Finance Secretary Carlos Dominguez III […]

  • Tulak na lolo kalaboso sa P204K shabu sa Valenzuela

    KULONG ang 64-anyos na lolo na sangkot umano sa pagtutulak ng iligal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu nang kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Martes ng hapon.     Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ni Valenzuela […]

  • PBBM, tikom ang bibig sa naging meeting kay dating Pangulong Duterte

    TUMANGGI si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na idetalye ang naging pakikipagulong nito kay dating Pangulong  Rodrigo Roa Duterte.     Matatandaang, nagpunta ng Palasyo ng Malakanyang noong nakaraang linggo si Duterte para makapulong si Pangulong Marcos at pag-usapan ng mga ito ang naging meeting ng una kay  Chinese President Xi Jinping in China.”     […]