• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bago pa ang inihaing arrest warrant na may kinalaman sa kanyang war on drugs: Dating PRRD, walang ginawang mali, walang maalalang kasalanan

HAYAGANG itinanggi ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte na may ginawa siyang mali o kasalanan nang ikasa niya ang kanyang kampanya hinggil sa war on drugs.

Sa naging panayam ng Sonshine Media Network International (SMNI), isang broadcast media arm ng Kingdom of Jesus Christ na pinangunahan ng Filipino televangelist Apollo Quiboloy, ang ibig niyang sabihin sa wala siyang kasalanan ay “Wala akong maalala na ginawa kong kasalanan. Marami akong ginawa na hindi nagustuhan ng iba or maybe lahat but I did it for my country.”

 

Kaya nga aniya hindi siya nangangamba sa mga naririnig niyang balita lalo na ang sinasabing arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban sa kanya.

“No. Im old for that actually. Even you kill me now, totoo talaga, truly it does not scare me a bit. Hindi naman ako magpasalamat pero ikaligaya ko na lang na magpahinga na,” ang sinabi nito sa nasabing panayam.

 

 

Sa kabilang dako, tila nag-joke naman si Digong Duterte nang sabihin nito na nakahihiya na may 7,000 ang pulis ang ipinakalat upang magsilbi ng warrant of arrest laban sa kanya.

 

“Nakakahiya naman iyan. Pakisabi naman sa kanila na dagdagan nila ng few more. Mag-recruit sila sa probinsiya. Come to think of it, bakit gawain nila sa bayan ko at sa akin mismo? Am I worth the toil of the police? At ako presidente noon may gagawin akong kalokohan? If they want to arrest me, I will go to them. Hindi na ako kailangan. Nag-presidente ako, naging prosecutor ako. Ano bang nakain nila? All they have to do is to call me and say, ‘Come here because there’s a complaint against you or there’s a valid summons whatsoever from the court.’ Bakit mo pa dramahin sa akin ‘yung ganun?,” ang pahayag ni Mr. Duterte.

“Matanong nga. Sometimes ito nangyayari talaga. what would be ….. reason for marshalling 5000 or 7000? Bakit pagurin mo ‘yung Pilipino? Na isa lang man ang kailangan ko na maski isang patrolman diyan sa airport mag-abang. Hindi ako ganu’n maglaro nang patago-tago diyan. Naging presidente ako. So, sinong taguan ko? Pulis? Army? Sino? ICC?,” ang pahayag pa rin nito.

 

 

Sinabi pa ng Pangulo na matagal na niyang hinihintay ang aksyon ng ICC.

Sa katunayan nga aniya ay vice-mayor pa lamang siya ng Davao ay aware na siya sa usapin ng ICC.

“Ngayon ICC na iyan. Pabaliktad. hindi ko kayo hinahamon pero you have been doing it…. on it for so long a time. Can you just please try once more this time with the action and candor? So, magkita tayo. Crimes against humanity man kaya? Pati ‘yung hindi ninyo nasali na pinatay ni Hitler.. Idagdag mo na sa akin. “yung nakalimutan ninyo na listahan ko. or the unsolved massacre around the world. Charge it on me because isang impyerno lang ito, walang anuman ‘to,” ang diing pahayag ng dating Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • Coach Tim Cone maraming natutunan sa NBA Summer League na puwedeng magamit sa PBA

    BABALIK na sa Pilipinas si Tim Cone at posibleng sa araw na Linggo ay balik na rin sa kanyang pagko-coach sa Barangay Ginebra.     Magtatapos na rin kasi ang pagiging assistant coach niya sa Miami Heat sa ginaganap na NBA Summer League sa Las Vegas.     Huling game na ng Miami kontra sa […]

  • New York at Massachusetts tatanggalin na ang mandatory na pagsusuot ng mga face mask

    INANUNSIYO ng gobernador ng New York at Massachusetts na kanila ng tatanggalin ang pagsusuot ng face mask.     Sinabi ni New York Gov. Kathy Hochul na maari lamang tanggalin ang pagsusuot ng face mask kapag ang indibidwal ay naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19.     Bumaba na rin aniya ang kaso ng […]

  • Drug-buster cops, ‘viral’ traffic enforcer pinuri ng Navotas

    KINILALA ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang huwarang pagganap ng mga opisyal ng Navotas City Police at isang enforcer ng City Traffic and Parking Management Office.     Sa pamamagitan ng resolusyon ng Sangguniang Panlungsod, pinuri ng lungsod ang 44 na pulis na lumahok sa raid sa Baguio na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 574.8 kilo […]