• July 17, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bago sumabak sa kani-kanilang projects: RURU at BIANCA, nag-quick getaway vacation sa Japan

NAG-QUICK getaway vacation sina Ruru Madrid at Bianca Umali sa Japan kamakailan.
Nag-spend ng quality time ang dalawa bago sila sumabak sa kanilang magkakaibang trabaho sa mga darating na buwan.
“Kape, Japan, at siya… Ganito lang kasimple ang saya,” post ni Ruru sa Instagram.
Kasama si Ruru sa series of shows in Canada para sa Sparkle World Tour. Makakasama niya sina Ai-Ai delas Alas, Kyline Alcantara, and Jessica Villarubin.
“Mag-i-stay kami doon for 22 days. Medyo matagal-tagal. Matagal din kaming hindi magkikita ni Bianca,” sey pa ng aktor.
Samantalang si Bianca ay magbabakasyon naman sa Europe.
“Actually, para sa amin, okay lang ‘yun. Kahit hindi kami magkasama, basta malinaw naman ‘yung tiwala namin sa isa’t isa,” sey ni Bianca na lalabas na as Terra sa Sang’gre.
Kailan lang ay nakitang magkasama ang dalawa sa red carpet ng 75th anniversary event ng GMA-7.
(RUEL J. MENDOZA)
2024 pa ng ma-diagnose na may breast cancer: CESCA, tapos nang mag-chemotherapy
at tuloy lang ang laban sa sakit
TAPOS na sa kanyang chemotherapy si Cesca Litton at naghahanda na siya sa next steps in her battle with cancer.
Ayon sa TV personality, she is celebrating a small win in her cancer journey at nai-share niya ito sa social media.
“Found a lump. Act now, feel later. Diagnosis. Act now, feel later. Surgery. Act now, feel later. After 6 cycles of chemotherapy, later is now.

”It felt like I was holding my breath for the past few months, holding myself together because there was still so much to be done.
“The closer I got to my last chemo cycle, the more I unraveled, and last Friday, I could finally breathe and let go.
“It’s not over yet. I start hormonal treatments next month, more tests and meds for the next 5 years, and then hopefully be declared officially in remission.
“For now, I celebrate this win. I will celebrate every single win I can, big or small.
“I also celebrate the people who got me through. Every single circle in my life stepped up, the expected and the unexpected. Complete strangers who have reached out and shared their stories, prayers, words of encouragement. My doctors and nurses who ensured I got the best care. But above all else, how do I even begin to thank a God who carried me through this?
“Apologies in advance if I’m just a weepy mess, the floodgates are open and I’m not sure how long it’ll take for all the emotions to settle. Thank you for all the love and support. Job’s not done, but we keep going. God is good. Always.”
2024 nang ma-diagnose si Cesca with breast cancer. Noong March 2025 lang niya ito isinapubliko.
She stressed the importance of early detection ang regular check ups to monitor one’s health.
***
NILOOBAN pala ang bahay ng Hollywood actor na si Brad Pitt sa Los Feliz, Los Angeles.
Ayon sa LA Police Department, they responded to an alarm call and three suspects invaded the property. Dumaan ang mga ito sa front entrance ng bahay habang may mga workers na nagtatrabaho sa tapat ng property.
Wala pang report kung ano ang mga gamit na ninakaw sa loob ng bahay.
Wala si Pitt sa kanyang bahay noong pinasok ito ng mga magnanakaw.
“He’s been on overseas on a worldwide promo tour of his film F1,” ayon sa rep ng Oscar-winning actor.
Sunud-sunod ang mga nagaganap na nakawan sa mga LA homes ng mga celebrities. Naging biktima rin sina Nicole Kidman, Jeremy Piven, Marshmello, and Austin Butler.
(RUEL J. MENDOZA)