BAGONG BASECO ESPLANADE BUBUKSAN
- Published on September 12, 2020
- by @peoplesbalita
BUBUKSAN sa Maynila ang bagong “Baseco Esplanade” matapos ang tuloy-tuloy na total make over sa “Basura Beach” sa Maynila.
Sinabi ni Manila Mayor Frqncisco “Isko Moreno” Domagoso ,ang dating bay na puno ng Basura sa Baseco ay malinis na ngayon at hindi na “eyesore”, gayundin ang coastal area nito.
“Tulong-tulong po ang Department of Public Services (DPS) Baseco Beach Warriors, Metropolitan Manila Development Authority at Department of Environment and Natural Resources sa cleaning operations. Hindi po tayo matatapos dito. Tuloy-tuloy lang ang ating pagkilos hanggang sa makamit natin ang isang maunlad, maganda at panatag na Maynila. Soon, we will develop the new Baseco Esplanade,” paniniyak ni Moreno sa residente ng Baseco.
Nabatid na nilagyan na rin ng lampposts ang baywalk area para maging maliwanag sa gabi at maging ligtas ang mga namamasyal sa bisinidad ng Baseco beach.
Nalaman ba inatasan ni Moreno si city engineer Armand Andres at city electrician Engr. Randy Sadac para i-recycle ang mga lampposts na tinanggal sa kahabaan ng Espana Boulevard sa Sampaloc.
“Ayoko pong sayangin ang pera niyong pinambili dito. May value pa naman po, sayang kung itatapon lang. Kaya po ini-atas ko na ayusin ang mga nasabing mga poste ng ilaw,” ayon kay Moreno.
Nabatid na ang Baseco area ay ginamit bilang dockyard ng National Shipyards and Steel Corp. Noong 1960’s.
Ang NASSCO ay binili ng Romualdez family via Bataan Shipping and Engineering Co. kung saan nagmula ang tawag sa lugar na Baseco.
Noong 1980’s, ang Baseco ay naging barangay ar rinirhan ng mga informal settlers hanggang dumagsa ang malaking bilang ng tao sa lugar na mga nagtayo ng mga barung barong kahit sa bundok ng basura.
Bago ang isinagawang reclamation ng kahabaan ng Roxas Boulevard na dati ay beach at ang Baseco beach na lamang ang natira sa dating beach na ibinabalik naman ngayon ng lokal na pamahalaan ng Maynila. (GENE ADSUARA)
-
Most wanted person, nadakma ng Valenzuela police
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lalaki na wanted sa tatlong bilang na kaso ng qualified theft matapos maaresto sa manhunt operation ng pulisya sa Valenzuela City. Sa patuloy na pinaigting na kampanya ng pulisya kontra wanted persons, ikinasa ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang pagtugis kay alyas “Vincent”, 32, […]
-
SEC desidido nang ipasara Rappler Inc.; news outlet aapela
DESIDIDO ang Securities and Exchange Commission (SEC) na ipatupad ang 2018 decision nito na ipasara ang media company na Rappler Inc., bagay na pumutok ilang araw bago matapos ang termino ni President Rodrigo Duterte. Kinatigan ng SEC ang nauna nitong utos, eksakto isang linggo matapos ibalitang ipina-block ng gobyerno sa sites ng news […]
-
PBBM, isiniwalat ang government measures para kontrolin ang presyo ng elektrisidad
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko ang plano at estratehiya ng gobyerno para patamlayin ang presyo ng kuryente sa gitna ng kasalukuyang mataas na demand ng elektrisidad. Sinabi ni Pangulong Marcos sa isang ambush interview sa Pikit, Cotabato, na walang artificial crisis sa power sector. Ang meron aniya ang bansa […]