• March 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BAGONG COMELEC CHAIRMAN NANGAKONG DEFENDER NG DEMOCRACY

NANGAKO  na maging “tagapagtanggol ng demokrasya,” ang bagong hinirang na Chairman ng  Commission on Elections (Comelec)  nitong Miyerkules sa kanyang pormal na pagkakaluklok bilang Chairman ng poll body.

 

 

Sa isang seremonya ng pagsalubong kay Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, binanggit nito na sa ilalim ng kanyang termino ay palalakasin niya ang “sanctity of vote and independence” ng poll body.

 

 

“I stand before you today as a defender of democracy who will be independent and conscientious in giving life to the fundamental freedom of suffrage. We will honor and protect the Constitution in every decision we pen, in every program and project we undertake, and even in every single vote we count. The sanctity of the vote shall be our guiding principle,” sabi ng bagong talagang poll  chairman

 

 

Sinabi ni Pangarungan na bilang isang collegial body, umaasa siyang nakikipag tulungan ang kapwa nito komisyoner sa kanya sa pagtataas sa antas ng integridad ng komisyon.

 

 

Aniya, ito ay kinakailangan dahil ang Comelec ay naglalaman ng pinaka esensya ng demokrasya.

 

 

Sinabi pa ni Pangarungan na pangangalagaan niya ang mga empleyado ng Comelec at idinagdag na imaximize niya ang mga benepisyo ng kanilang mga empleyado.

 

 

Nangako rin siya na “pagbutihin, repormahin, at itaas” ang antas ng serbisyo ng poll body habang inaalala niya kung paano siya nagtrabaho bilang Interior Secretary sa ilalim ng termino ni dating Pangulong Cory Aquino sa pagtanggal ng hindi bababa sa 2,000 “ghost barangays,” na idinagdag na ito ang “pinakamalaking pandaraya sa eleksyon sa ating bansa.

 

 

“As we work, let us remember that we owe this service to the Filipino people. We will not let the Filipino people down,” dagdag pa ng bagong hirang na opisyal.

 

 

Si Pangarungan ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte  bilang interim chairperson ng Comelec.

 

 

Siya ay pinuno ng  National Commission on Muslim Filipinos bago siya maitalaga  sa Comelec.

 

 

Nilagdaan din ng Pangulo ang appointment nina  George Erwin Garcia  at Aimee Torrefranca-Neri bilang  ad interim Comelec commissioners.

 

 

Si Garcia ay isang election lawyer na ang mga dating kliyente ay kinabibilangan ng mga kandidato sa pagkapangulo na sina Manila Mayor Isko Moreno at dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., Senators Grace Poe at Aquilino “Koko” Pimentel III.

 

 

Si Torrefranca-Neri, sa kabilang banda, ay isang undersecretary ng Department of Social Welfare and Development. (GENE ADSUARA)

Other News
  • P1.7 bilyong shabu sa tea bag nakumpiska, 2 Chinese tiklo

    NAKAKUMPISKA ng 260 kilo ng hinihinalang shabu na nakasilid sa tea packs at nagkakahalaga ng kabuuang P1.768 bilyon, ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), katuwang ang Philippine National Police (PNP), sa dalawang sabayang buy-bust operation sa Quezon City at Cavite kahapon.     Batay sa ulat ni PDEA Director General Wilkins Villanueva, […]

  • WALANG 3RD TRANCHE NG SOCIAL AMELIORATION PROGRAM

    NILINAW  ni DSWD Spokesperson  Director Irene Dumlao na walang 3rd tranche ng Social AmelioraTion Program , sa isang media forum ng National Press Club (NPC). Sinabi ni Dumalo sa National Press Club (NPC) forum na  sa ilalim ng Bayanihan to Heal As One Act, mandato ng DSWD na magbigay lamang ng dalawang tranches. Sinabi ni Dumlao […]

  • Top 6 most wanted person ng NPD, natimbog ng Valenzuela police sa Samar

    NAGWAKAS na ang pagtatago ng isang manyakis na lalaking akusado sa panghahalay sa menor-de-edad na biktima matapos matunton ng mga tauhan ng Valenzuela City Police ang kanyang pinagtaguang sa lalawigan ng Samar, kamakalawa ng tanghali.     Inaprubahan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas ang hiling ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador […]