• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong mag-aawit may connect kay Pres. Aguinaldo: LIZZIE, kasama sana sa reunion movie nina VILMA at CHRISTOPHER

SA true lang, ang bongga ng launching ng first single ng newest singer ng Star Music na si Lizzie Aquinaldo.
May titulo itong “Baka Pwede Na”, na nilikha ng award-winning songwriter at film director din na si Joven Tan. Na siya rin ang nagdirek ng ginastusang music video na hinangaan ng mga dumalong press people.
Sa surname pa lang ni Lizzie, iisipin na may connect ito sa mga Aguinaldo na kung saan nakatira sila sa Imus, Cavite. True enough, ang kanyang ama ay apo sa tuhod ng unang pangulo ng ating bansa, si Emilio Aguinaldo.
Ang parents ng beautiful 15-year old lass ay pawang nasa real estate business. At sa flyers na pinamigay, si Lizze na rin ang ginawa nilang endorser, since nasa entertainment industry na siya at may ‘K’ naman siya.
Ang launch ng first single ni Lizzie na “Baka Pwede Na” ay ginanap sa isa sa bonggang ballroom ng Luxent Hotel at may dalawang big buffet tables. Bukod sa mga give away ay nagpa-raffle pa ng cash prizes, na ikinatuwa ng mga nanalo.
Anyway, si Lizzie na pangatlo sa limang magkakapatid, na kasalukuyang Grade 9 sa British International School, ang first sa family na nagka-interes na pasukin ang showbusiness.
Kaya naman reaksyon ng pamilya niya, “they were shocked, kasi ako pa lang sa family namin ang first na nag-showbiz.
“But they understand naman na dream ko talaga ito, to be a singer and now, they’re very supportive.”
All-out nga ang suporta sa kanyang pangarap na maging sikat na mang-aawit, kaya naman pinagawan siya ng billboard na kung saan binabati nila si Lizzie sa paglabas ng kanyang debut song, na napapakinggan na sa mga FM stations, nationwide.
Kaya ang naging reaksyon niya, “nagulat nga po ako. Kasi yung billboard kasing laki ng bahay namin. Nakatutuwa.”
Ini-idolo ni Lizzie sa larangan ng pagkanta sina Lani Misalucha, Regine Velasquez, Celine Dion, Alicia Keys at si Whitney Houston, na pawang mahuhusay na singer.
Bukod sa pagkanta, type din niyang masubukan ang pag-arte, sa pelikula man o telebisyon.
At sa koneksyon ni Direk Joven na mabilis ngang nakapag-compose ng kanya para sa kanya at malaki ang posibilidad na makagawa agad siya ng pelikula.
Sa katunayang ay nag-audition siya bilang batang Darna sa ‘Darna’ na pinagbidahan ni Jane de Leon, pero hindi siya pinalad kahit alam niyang binigay ang best niya.
Pero ang nakahihinayang ay hindi siya natuloy na maging part ng reunion movie nina Vilma Santos at Christopher de Leon na ‘When I Met You In Tokyo’.
Kuwento ni Lizzie, “I auditioned sa Vilma Santos-Christopher de Leon movie and they’re willing to get me as friend ni Cassy Legaspi, but then, hindi nag-fit yung shooting sa schedule ng classes ko, so hindi natuloy.”
Isang love song ang “Baka Pwede Na”, pero nabigyan buhay naman ni Lizzie kahit hindi pa siya nagkaka-boyfriend.
Kaya natanong siya kung ano ang hinahanap niya sa guy na magpapatibok ng kanyang puso, “definitely, he has to be family oriented, kasi sobrang laki ng family namin. And also, dapat, God-fearing siya.”
Ang first single ni Lizzie na “Baka Pwede Na” ay available na rin para ma-download at napakikinggan sa iba’t ibang online music app.
Suportahan natin si Lizzie Aguinaldo na matupad ang kanyang pangarap na maging sikat na singer at aktres.
 
(ROHN ROMULO)
Other News
  • Ads April 27, 2023

  • FROM TRAILER TO MOVIE: DIRECTOR ELI ROTH TALKS ABOUT MAKING HIS SLASHER-HORROR MOVIE “THANKSGIVING”

    FOR director Eli Roth, his journey for the Thanksgiving movie started in 2006, when his friends Quentin Tarantino and Robert Rodriguez were working on their double feature Grindhouse.       To add to the double-feature experience, Tarantino asked his friends – including Roth – to create fake trailers that would appeal to the Grindhouse […]

  • INDAY SARA: PROTEKTAHAN NATIN SI BBM!

    HINIMOK ni vice presidential bet Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang kanyang milyun-milyong supporters na protektahan si presidential aspirant Bongbong Marcos at ang mapagkaisa nilang tambalan na BBM-Sara Uniteam.     “Anong magagawa ninyo? Tayong lahat? Anong magagawa natin? Sa ating suporta para masigurado natin, maipakita natin na hindi lang para sumuporta lang tayo […]