
DUMALO sina Jennylyn Mercado at Sam Milby sa pagdiriwang ng Chinese New Year ng HQ ng Beautéderm Corporation, na pinangunahan ng founder na si Rhea Tan noong Miyerkules, Enero 29, sa Angeles City.
Sinamahan sina Jen at Sam ng iba pang Beautéderm ambassadors na sina DJ Chacha, Kitkat, Alma Concepcion, Rochelle Barrameda, Jimwell Stevens, Anne Feo, Maricel Morales, Thou Reyes, Ervic Vijandre, Wency Lagumbay, Pepita Curtis, at AJ Morales, gayundin ang lokal. ambassadors, Marlon Tuazon, Joanna Ning Cordero, Atty. Nicolette Henson, Voltaire Zalamea, Mich Viray, Frederick Policarpio, Dr Minnie Uy, at Mutya Ning Kapampangan Natalya Linsay.
Taun-taon, ipinagdiriwang ng business mogul at ng kanyang kumpanya ang Chinese New Year para ipahayag ang pagpapahalaga, pag-asa sa kaunlaran, at paggugol ng oras sa mga celebrity endorsers.
“When you’re in business, you have to constantly coming up with new ideas and exploring new possibilities, and each new year should bring about progress not only in business but also as a person,” pahayag ni Ms. Rei sa kanyang speech.
Pagkatapos ay nagpasalamat siya sa mga Beautéderm endorsers sa pagdalo sa event, at sinabing ang kanilang pagpunta ay naging mas memorable sa selebrasyon.
Bukod sa pagdiriwang ng 2025 CNY, inilunsad ng Beautéderm CEO ang kanyang bagong negosyo, ang AUDREY, ang luxury house para sa genuine leather bags. Kasama sa mga materyales na ginamit ang premium na tunay na balat ng baka at ng tupa.
“The launch of our new venture, AUDREY, which sells genuine and premium leather bags, represents progress. This new endeavor aims to promote local craftsmanship while showcasing what a Philippine brand has to offer the world. And I am optimistic about 2025 and proud of this brand, built with style and brilliance,” pagbabahagi pa niya.
Ang passion ni Tan sa designer and luxury items ang nagbigay inspirasyon sa kanya na mamuhunan sa A-List Avenue, isang boutique na naglalaman ng mga authentic at high-end designer pieces.
Matatagpuan sa store ang mga limited-edition na Hermes Birkin at Kelly bag, kasama ng iba pang prestihiyosong tatak tulad ng Louis Vuitton, Chanel, at Gucci. Dito rin madalas pinagkukunan ng mga celebrity at mga kilalang content creator ang kanilang mga bag at relo.
Mahigit dalawang taon na ang A-List Avenue, na matatagpuan din sa HQ ng Beatederm, ay nagtatampok ng mga mararangyang interior at isang eksklusibong kapaligiran na nagpaparamdam sa bawat kliyente na parang isang VIP.
Si Ms. Rhea Tan, sa kabila ng kanyang abalang iskedyul, ay patuloy na naglalaan ng oras upang matugunan ang mga kahilingan ng kanyang kumpanya.
Hopeful and confident siya sa taong 2025 na maabot ang mas maraming lokal at international costumers.
Ang kanyang Beautéderm Corporation ay mayroon na ngayong anim na sub-brand, kabilang ang Beautéderm, BlancPro, Beauté Beanery, BeautéHaus, Belle Dolls, at AUDREY. (ROHN ROMULO)