BAGONG OBISPO NG CEBU, ITATALAGA SA AGOSTO 19
- Published on July 14, 2022
- by @peoplesbalita
NAKATAKDANG italaga bilang bagong Obispo ng Archdiocese of Cebu si Bishop-elect Ruben Labajo.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Cebu Archbishop Jose Palma sa pagkakaroon ng isa pang katuwang na obispo sa nasabing Archdiocese.
Sa panayam ng Radio Veritas kay Archbishop Palma, mahalaga ang pagkatalaga ni Bishop-elect Labajo upang makatulong sa pangangasiwa ng may limang milyong populasyon ng mga Katoliko sa lalawigan.
“Malaking tulong ito, malaking biyaya dahil napakalaki ng [Archdiocese of] Cebu at alam natin ‘yung mga pastoral ministry na kailangan ng serbisyo ng obispo kaya nagpapasalamat kami sa Diyos at sana sabayan ninyo kami nitong pasasalamat,” pahayag ni Archbishop Palma sa Radio Veritas.
Ang pagdiriwang ng ordinasyon ni Bishop-elec Labajo ay sa August 19, ganap na ika-siyam ng umaga sa Cebu Metropolitan Cathedral.
Nanawagan din si Archbishop Palma sa pananampalataya nang patuloy na panalangin sa mga pastol ng simbahan upang manatiling matatag sa kanilang tungkulin na paglingkuran ang mamamayan tulad ng mga halimbawa ni Hesus.
“Ipanalangin po ninyo kami mga obispo na maging ganap sa aming tungkulin na talagang ‘servant leader’; ang aming buhay ay buhay gaya ng mabuting pastol na nagsisilbi sa mamamayan,” ani Archbishop Palma.
June 23 nang italaga ni Pope Francis si Bishop-elect Labajo bilang auxiliary Bishop ng Cebu katuwang ni Archbishop Palma at Bishop Midyphil Billones.
Buong kababaang-loob namang tinanggap ng bagong talagang obispo ang bagong misyon sa simbahan.
Sa halos 30-taong pagiging pari ilan sa mga ginampanan ni Bishop-elect Labajo ang pagiging Parish vicar sa Mandaue City, Santa Fe Parish sa Bantayan Island, at St. Joseph Parish sa Tabunok Talisay, Cebu Metropolitan Cathedral, habang noong 2017 naging bahagi ang pari sa Council of Consultors, Episcopal Vicar sa unang distrito ng arkidiyosesis at kasapi ng Presbyteral Council. (Gene Adsuara)
-
Unang batch ng bakunang Pfizer laban sa Covid-19, wala pang arrival date-Malakanyang
WALA pang arrival date para sa first batch ng 117,000 Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines sa ilalim ng COVAX facility. “Wala pa po tayo naririnig na balita,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. “Dahil ‘yan po ay ipapadala sa pamamagitan ng eroplano. Ang inaasahan natin ay magbibigay notisiya ang Pfizer sa atin kung naisakay na […]
-
Nuclear power , maaaring bumaba ang electricity cost; ERC, pinayuhan ang susunod na administrasyon
SINABI ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa incoming Marcos administration na maaaring makapagpababa sa halaga ng kuryente sa Pilipinas ang idagdag o isama ang nuclear energy sa power mix ng bansa. Tinanong kasi si ERC chairperson Agnes Devanadera kung ano ang kanyang mairerekomenda sa susunod na administrasyon upang matugunan ang kasalukuyang problema sa […]
-
Umaatras sa bakuna ‘di pipiliting magpaturok – DOH
Tiniyak ng Department of Health na hindi nila pinipilit ang mga taong umaatras sa bakuna laban sa COVID-19 sa mismong araw na sila ay tuturukan. Ginawa ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang pagtiyak matapos murahin at tawaging hambog ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ayaw magpabakuna. Ayon kay Vergeire, mayroon talagang […]