Bagong Omicron variant na Arcturus, hindi dahilan ng muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 – expert
- Published on May 10, 2023
- by @peoplesbalita
BINIGYANG linaw ng isang eksperto na hindi ang Omicron subvariant XBB.1.16 o mas kilala bilang Arcturus variant ang dahilan ng muling pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa isang pahayag ay sinabi ng infectious diseases expert na si Dr. Edsel Salvana na walang katotohanan na ito ang dahilan ng pagtaas ng mga kaso ng nasabing virus sa Pilipinas.
Aniya, sa katunayan pa nito ay nag-iisa pa lamang ang nadedetect na Arcturus case sa bansa na naitala noong Abril 26 sa probinsya ng Iloilo at ang tinamaan aniya nito ay asymptomatic at gumaling na rin.
Dagdag pa ni Salvana, bagama’t ang naturang variant ng Omicron ang naging dahilan ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa ilang bansa, ay wala pa aniyang direktang ebidensya ito na nagpapakita na nagdudulot ito ng mas malubhang karamdaman.
Samantala, kaugnay nito ay binigyang diin din ni Salvana na nananatili pa ring mabisa ang mga bakunang ginagamit ng bansa laban sa Arcturus variant. (Daris Jose)
-
5 sabungero arestado sa tupada
LIMANG indibidwal ang arestado matapos maaktuhan ng pulisya na nagsasabong sa isang ilegal na tupada sa Valenzuela city, kamakalawa ng hapon. Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Fernando Ortega, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Intelligence Branch (SIB) ng isang text message mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) tactical operation command hinggil […]
-
Pinas ‘di titiklop sa isyu ng West Philippine Sea – Marcos
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi titiklop ang Pilipinas sa isyu ng West Philippine Sea (WPS) sa gitna nang tumataas na geopolitical tension. Sa ika-88 anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sinabi ng Pangulo na sa kabila ng maraming probokasyon, ang bansa sa pamamagitan ng AFP, ay nananatiling isang […]
-
Seguridad sa South Metro pinaigting, higit 2K pulis ikakalat
KASADO na ang planong “Ligtas Paskuhan 2023” upang maagap na bantayan ang kaligtasan at seguridad ng mga residente at mga dumarayo sa katimugang bahagi ng Metro Manila na nasa hurisdiksyon ng Southern Police District (SPD). Sinabi ni SPD officer-in-charge P/Brig General Mark Pespes, ang deployment plan ng mga tauhan ay kinabibilangan ng 2,425 […]