Bagong outbreaks, iprayoridad – Isko
- Published on November 24, 2021
- by @peoplesbalita
Nararapat na gawing isa sa prayoridad ng susunod na pamahalaan ang pagbabantay at paghahanda laban sa mga susunod pang mga outbreaks na mangyayari sa mundo kahit na matapos na ang pandemya sa COVID-19, ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno.
Sinabi ni Moreno, standard-bearer ng Aksyon Demokratiko para sa Halalan 2022, una niyang tututukan ang pagpapalakas sa sistema sa kalusugan ng bansa para hindi na nagugulantang kapag may tumatamang mga outbreak sa mundo.
“Ilalaan ko ang unang dalawang taon ng aking administrasyon sa pagpapalakas ng health system para makalaban tayo sa pandemya, dapat bantayan ang mga darating na outbreaks at maging handa sa anumang mangyayari habang pinipilit nating buhayin ang ating ekonomiya,” ayon kay Moreno.
Kasunod nito, sinabi niya na gagawin niya sa buong bansa kung anuman ang nagawa niyang mga proyekto at programa sa Maynila.
“Nasa pandemya tayo. Ang buhay at kinabukasan ng tao ang nakasalalay. Kaya naisip ko na kung ano ang ginawa natin sa Maynila, ganun din ang gagawin natin sa buong bansa,” ayon sa alkalde.
Kasama sa mga proyektong ito na nais gawin ni Moreno sa buong Pilipinas ang pabahay para sa mga mahihirap sa Baseco, Tondo at Binondo; konstruksyon ng COVID-19 field hospital at bagong Ospital ng Maynila; libreng antigen testing at libreng gamot na Remdisivir at Tocilizumab; at patuloy na paghahatid ng food boxes sa mga taga-Maynila. (Gene Adsuara)
-
Marcos, tinanggihan ang panukalang bawasan ang gov’t workforce para maibaba ang paggastos
TINANGGIHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suhestiyon na bawasan ang bilang ng mga manggagawa sa mga ahensiya ng gobyerno para makatipid at makaipon ng pondo habang ang Pilipinas ay patuloy na bumabawi at bumabangon mula sa COVID-19 pandemic. Sa Facebook post, sinabi ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na ginawa ni Pangulong […]
-
Noontime Princess ng TV5, aarangkada na: MILES, ‘di apektado sa ‘joke’ ni JOEY dahil bawal ang pikon sa Dabarkads
HINDI pa rin makapaniwala ang Noontime Princess ng TV5 na si Miles Ocampo kaya naluha-luha siya nang ipakilala bilang bida ng teleseryeng ‘Padyak Princess’, na mapapanood na simula ngayong Lunes, June 10. Say pa ng award-winning actress, “Naiyak po talaga ako nung i-present sa akin. Sabi ko po kina direk Mike (Tuviera […]
-
512 Bulakenyong magsasaka, mangingisda, nagtapos mula sa Farmers’ Field School, mga kurso ng pagsasanay
LUNGSOD NG MALOLOS- Apat na pangkat ng mga Bulakenyong magsasaka at mangingisda ang nakakumpleto ng kanilang season-long Farmers’ Field School (FFS) at mga kurso ng pagsasanay, nakakuha ng karagdagang kaalaman upang doblehin ang kanilang ani, at tumanggap ng kanilang katibayan at inputs sa ginanap na Mass Graduation Ceremony sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na […]