• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong tayong 10 palapag na pampublikong elementary school sa Tondo, binuksan na

MATAPOS ang dalawang taon na pagpapatayo sa sampung palapag na gusali ng bagong Rosauro Almario Elementery School, pormal na itong isinalin ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila sa principal at mga guro para sa muling pagbubukas nito sa Tondo.

 

 

Pinangunahan ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang simbolikong pagbigay ng mga susi sa principal ng nasabing eskwelahan na si Graciano Budoy Jr. katuwang si Manila 1st District Congressman Ernix Dionisio.

 

 

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Budoy, sampu ng kanyang 305 na teaching at non-teaching personnel, kina dating Yorme Isko Moreno Domagoso at Mayor Honey Lacuna-Pangan sa silang pasimuno para matupad ang matagal na nilang pangarap na magkaroon ng bagong gusali.

 

 

“Amin itong susuklian sa pamamagitan ng pag-iingat na mabuti… Ito ay mananatiling bantayog ng kahusayan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila. Ibibigay po namin ang pinakamataas na antas ng edukasyon,” ani Budoy.

 

 

Sa kanya namang talumpati, sinabi ni Mayor Lacuna-Pangan na ang pagtatayo ng ganitong uri ng napakagandang gusali ay bunga ng isang pangarap ng isang batang Almario sa katauhan ni Yorme Isko Moreno Domagoso.

 

 

Sinariwa naman ni Yorme Isko ang kanyang magagandang alaala noong siya ay estudyante pa ng naturang pampublikong paaralan kasabay ng pasasalamat sa kanyang mga guro.

 

 

“I hope sa mga teacher ko, I did not fail you, Sama-sama tayo, patunayan nating hindi lang sa Tondo, hindi lang sa Maynila, kundi sa buong bansa na ang Tondo ay pandayan ng husay at talino,” sabi pa ng dating alkalde sa kanyang talumpati.

 

 

Matatandaang naitayo ang nasabing gusali sa Kagitingan St, sa Tondo na may 227 na silid-aralan, 12 opisina, library, anim na science room na pawang air-conditioned, auditorium, gymnasium, dalawang outdoor basketball courts na puwedeng gawing football field, dalawang roof deck outdoor sport at walong elevator na kayang magsakay ng kabuuang 192 na estudyante. (Leslie Alinsunurin)

Other News
  • ₱12B Comelec funding, hindi para sa Cha-cha plebiscite

    KINATIGAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang ginawang pagtanggi ng Commission on Elections (Comelec) na inilaan para sa plebisito ng Charter change (Chacha) ang P12 billion na additional funding ng Komisyon sa ilalim ng 2024 national budget.     “It is not for the purpose of Charter Change but may be used for […]

  • PSL Beach Volleyball Challenge Cup sa Pebero 25 sa Zambales

    MAY 12 koponan ang maglalabo-labo para sa pangunahing karangalan sa pagbabalik ng Philippine SuperLiga (PSL) Beach Volleyball Challenge Cup sa Subic, Zambales sa darating na Pebrero 25-27.   Napag-alaman nitong Linggo kay PSL Chairman Philip Ella Juico, na puntirta amateur commercial volleyfest o semi-professional league, ang mainit na pagbabalik ngayong taon makaraan maudlot ang lahat […]

  • 2 welder na ‘tulak’ laglag sa P340K droga sa Caloocan

    DALAWANG welder na kapwa umano sangkot sa pagtutulak ng illegal na droga ang timbog sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Miyerkules ng madaling araw.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang mga naarestong suspek na sina alyas “Mata” at alyas “Buyong”, kapwa residente ng lungsod.     […]