Bagong transport hub itatayo ng Ayala Land at DOTr
- Published on February 8, 2025
- by Peoples Balita
MATAPOS ang pandemya ng COVID-19, itutuloy na ng Department of Transportation (DOTr) at AyaLand ang naantalang konstruksyon ng Taguig Integrated Terminal Exchange (TCITX).
Ang TCITX ay katulad ng tinayong Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na tinatayang matatapos sa taong 2027 at magsisimulang magkaroon ng operasyon sa taong 2028. Nagkaroon ng ground breaking ceremony noong nakaraang Lunes sa lungsod ng Taguig.
Ito ay isang transport hub na magkakaroon ng seamless travel na karanasan ang mga pasahero sapagkat ito ay idudugtong sa North-South Commuter Railway (NSCR) na tatakbo mula Clark sa Pampanga hanggang Calamba, Laguna. Idudugtong rin ito sa ginagawang Metro Manila Subway Project (MMSP).
Kapag natapos ang konstruksyon, ang mega transport hub na nasabi ay inaasahang makapagbibigay ng serbisyo sa may 160,000 na pasahero at 5,200 na sasakyan tulad ng buses at iba pang transport mode kada araw.
“The TCITX is a public-private private partnership project envisioned to be a multi-modal terminal to be constructed in more than 5 hectares of land,” wika ni DOTr undersecretary Jesus Ferdinand Ortega.
Ang TCITX ay isang six-storey building na itatayo sa Arca South, Taguig City na siyang magsisilbing terminal ng mga provincial at city buses at iba pang maliliit na pampublikong transportasyon tulad ng jeepneys at FX. Ito ay nagkakahalaga ng P5 billion.
Sinabi naman ni DOTr Secretary Bautista na dahil sa TCITX, ang mga pasahero ay magkakaron ng kaibang karanasan sa pagsakay mula sa southern part ng Metro Manila dahil magiging convenient at safe ang kanilang paglalakbay.
“It should have more spaces for passengers. I am sure the developers will learn from the experience of PITX. But what you saw is already the design of its exterior. It is a public-private partnership (PPP) between the Philippine government and the private sector, led by AyalaLand,” wika ni Bautista.
Ayon naman kay Anna Margarita Dy, president at CEO ng Ayala Land Inc., na sila ay may karanasan na sa pagtatayo at operasyon ng terminal matapos nilang gawin ang One Ayala Terminal kung saan ito ay nagbibigay ng mas madali, maginhawa, mabilis at komportableng karanasan sa pagsakay at pagbiyahe mula at pabalik sa central business district ng Makati.
Samantala, pinayahag din ni Bautista na may gagawing feasibility study ang DOTr para sa proyektong katulad na nasabi na ilalagay at itatayo naman malapit sa mga northern cities ng NCR.
“We are now preparing for the feasibility of the north project and we are looking for a suitable site. The North Terminal Exchange is similar as big as TCITX,” dagdag ni Bautista. LASACMAR
-
Drug money sa Barangay, SK elections babantayan ng PNP
HINDI lamang mga private armed groups ang babantayan ng Philippine National Police (PNP) sa barangay at Sangguniang Kabataaan elections sa Oktubre kundi maging ang drug money. Ayon kay PNP Public Information Office Chief PBGen. Redrico Maranan, posibleng kumalat ng drug money o pera galing sa transaksyon ng iligal na droga sa panahon ng […]
-
Kabastusan sa mga jeep at tricycles, iayos a rin!
MAY isang nanay ang nagpadala ng hinaing sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) tungkol sa mga bastos daw na rap song na madalas nang pinapatugtog ng mga jeepney drivers habang bumabiyahe. Ang sumbong sa akin, malalaswa at bastos ang mga kanta na noon lang niya narinig nang sumakay siya ng jeep. Gaya […]
-
Wala nang extension sa SIM registration – DICT
NANINDIGAN ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na wala nang mangyayaring isa pang extension sa SIM card registration makaraan ang July 25 deadline para rito. Ayon kay DICT Assistant Secretary for Cybersecurity Jeffrey Ian Dy, hindi na sila makapagbibigay ng extension dahil ito ang itinatakda ng batas. Pagsapit ng […]