• December 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagunas biyaheng Japan, bagong kontra inilatag

MULING masisilayan si dating UAAP MVP Bryan Bagunas sa aksiyon sa Japan Volleyball Premier League dahil panibagong kon-trata ang ibibigay sa kanya ng Japanese club team na Oita Miyoshi.

 

Ito ang isiniwalat ni Bagunas matapos magsilbing import ng Oita Miyoshi sa nakalipas na 2019 season.

 

“Sinabi sa akin ng team na kukunin nila ulit ako so next season nandoon ulit ako sa Japan. Marami akong natutunan sa Japan na gusto ko rin sanang i-share sa Pilipinas lalo na sa national team,” ani Ba-gunas na ginawaran ng Mr. Volleyball award sa PSA Awards Night.

 

Masaya rin si Bagunas dahil pinahihintulutan ito ng kanyang club team na bumalik sa Pilipinas sakaling kailanganin nitong maging miyembro ng national team.

 

Nakapaglaro si Bagunas sa national squad noong 2019 Southeast Asian Games sa Maynila kung saan nasungkit ng mga Pinoy Spikers ang pilak na medalya.

 

“Thankful ako dahil napakabait ng owner ng team. Sinabi niya na papayagan daw niya ako maglaro basta may league ang national team,” ani Bagunas.

 

Ilan sa mga lalahukan ng national team ang 2020 Asian Men’s Club Volleyball Championship sa Nakhon Ratchasima, Thailand sa Abril at ang 2020 AVC Cup sa Nay Pyi Taw, Myanmar sa Agosto.

 

“Iba talaga ang training sa Japan. Sobrang disiplinado nila, marami ka talagang matututunan lalo na sa techniques sa volleyball,” ani Bagunas.

Other News
  • PATAFA ‘di muna sisibakin si EJ sa national team

    Pinakinggan ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang kahilingan ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Malacañang para maresolbahan ang kanilang isyu kay national pole vaulter Ernest John Obiena.     Sa kanyang sulat kay PSC chief William ‘Butch’ Ramirez ay sinabi ni PATAFA chairman Rufus Rodriguez na ipagpapaliban nila ang pagsibak kay […]

  • 1 Corinthians 4:7

    What have you that you did not receive?

  • Kiamco sinargo ika-4 na titulo sa Louisiana

    SINAKOP ng mga Pilipino ang unang tatlong puwesto  sa katatapos na 6th Annual Buffalo’s Pro Classic Open 9-Ball Billiard sa Jefferson, Louisiana, USA.     Naghari si Warren Kiamco nang manaig kay Roland Garcia sa all-Pinoy finals upang ibulsa ang $4,500. Kumita si Garcia ng $2,300 habang ang tumerserong si Carlo Biado may $1,200.   […]