BAHAY SA NAVOTAS, NI-LOCKDOWN
- Published on May 24, 2021
- by @peoplesbalita
ISINAILALIM ng Lokal na Pamahalaan ng Navotas ang isang bahay sa lungsod matapos may 10 na miyembro ng pamilya ang nagpositive sa COVID-19, alinsunod sa IATF guidelines.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco, ang mga nakatira sa naturang bahay ay sinuotan na ng quarantine band para mabantayan na hindi sila lumabas ng bahay.
Inihalintulad ni Mayor Tiangco ang nangyaring ito noong ni-lockdown din ang isang lugar sa lungsod matapos magpositibo ang 14 katao na dumalo sa isang party, Mayo noong nakaraang taon.
“Ganito po nagsimula ang pagtaas ng ating mga kaso kaya lubusin po natin ang pag-iingat at pagsunod sa health protocols. Sa bahay na po ang hawaan ngayon, di na masyado sa opisina o lugar ng trabaho. Ito ay dahil mas kampante tayo sa bahay at pakiramdam natin wala namang sakit ang mga kasama natin” ani alkalde.
“Pero sa panahon ngayon na laganap na ang COVID-19, hindi na natin sigurado kung sino ang maysakit. Napakadaling mahawaan pero napakahirap o napakatagal magpagaling”, dagdag niya.
Tiniyak naman ng pamahalaang lungsod na bibigyan ng relief foods ang mga miyembro ng pamilya, gaya ng ginagawa sa mga lugar na isinailalim sa lockdown.
Patuloy ang paalala ni Tiangco sa lahat na mag-ingat at hinikayat niya na magpabakuna para protektado laban sa sakit at wag aniya sayangin ang sakripisyo ng lahat. (Richard Mesa)
-
PBBM, bineto (veto) ang batas na nagdedeklara sa Pampanga bilang culinary capital ng Pinas
BINETO (veto) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang batas na naglalayong ideklara ang Pampanga bilang “Culinary Capital of the Philippines.” Sa isang liham sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na may petsang March 12, ipinaliwanag ni Pangulong Marcos na ang culinary contributions ng Pampanga ay malawak na kinikilala, at ang opisyal na pagkakatalaga rito bilang […]
-
‘Byahe ni Kiko’ umarangkada, solusyon sa gutom at mataas na presyo ng pagkain
UMARANGKADA na noong linggo ang “Byahe ni Kiko: Hello Pagkain, Goodbye Gutom” caravan ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan, kung saan bitbit nila ang seguridad sa pagkain ng mga Pilipino bilang mahalagang isyu sa halalan sa Mayo. Sa pagtakbo niya bilang bise presidente, iginiit ni Pangilinan na ang isyu ng pagkain ay dapat nasa […]
-
Kahit wala naman siyang ka-date: DAVID, kinarir ang suit na susuotin sa ‘GMA Thanksgiving Gala 2023’
BUKOD sa pagiging abala sa taping ng kanilang upcoming Kapuso series na ‘Maging Sino Ka Man’ ni Barbie Forteza, ay abala ang Pambansang Ginoo na si David Licauco sa paghahanda para sa nalalapit na GMA Gala 2023 sa July 22. Ayon kay David ay galing pa sa ibang bansa ang kaniyang suit na […]