BAKUNA KONTRA COVID-19
- Published on February 15, 2020
- by @peoplesbalita
BAGONG pangalan sa parehong sakit ang ibinigay ng World Health Organization (WHO) sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV ARD).
Ayon sa WHO, “COVID-19” na ang magiging opisyal na tawag sa nakamamatay na sakit — CO para sa corona, VI sa virus at ang D ay disease.
Kasabay nito ang pahayag na magkakaroon na ng pagkakataong mapahinto ang paglaganap nito dahil sa susunod na 18 buwan ay maaari umanong handa na ang bakuna laban sa sakit. Masasabi nating magandang balita ito pero, sa loob ng isa’t kalahating taon, ilan na kaya ang kasong maitatala? Ilan na ang namatay at gaano na kalala ang sitwasyon?
Batay sa pinakahuling report, sa nakalipas na magdamag ay nakapagtala ng 94 panibagong bilang ng mga nasawi sa Hubei Province sa China dahil sa COVID-19.
Umakyat naman sa 44,789 ang naitalang kaso ng sakit sa buong mundo. Malaking bilang nito o 44,311 ay naitala sa China. Sa ganitong mga bilang, ang sakit sa dibdib na i-compute pa ang posibleng kabuuan matapos ang 18 buwan at huwag naman sanang umabot sa ganu’ng sitwasyon.
Sana, ‘yung mga report na nagpositbo sa COVID-19 at gumaling ay isama rin sa pag-aaral at tutukan ang mga posibleng dahilan kung paano sila naka-recover saka gamitin sa ibang pasyente.
Kung maituturing nang public enemy number 1 ang COVID-19, na ayon na rin sa WHO ay mas matindi pa raw ang epekto nito kaysa sa terorismo, ang puwersa at pagkakaisa na ng buong mundo ang kailangan.
Hindi lang ito laban ng China at ng iilang bansa, tawagin man itong Wuhan coronavirus, nCoV, 2019 nCoV ARD o COVID-19, hindi magbabago na ito ay sakit na nakamamatay na dapat nang lunasan sa lalong madaling panahon.
-
LOCKDOWN SA NAVOTAS CITY HALL, PINALAWIG
NILAGDAAN ni Mayor Toby Tiangco ang Executive Order No. TMT-019 na nagpapalawig ng hanggang March 9, 2021 ang lockdown sa Navotas City Hall, kabilang ang Navotas City Hall Annex (kasama ang NavoServe) at Franchising Permits Processing Unit. Ayon kay Mayor Tiangco, sa isinagawang mass testing ng mga kawani ng city hall, napag-alaman na […]
-
Murder inihain vs 4 katao sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid
HAHARAP na sa reklamong murder si Joel Estorial at tatlo pang suspek para sa pagkamatay ng ng radio commentator na si Percy Lapid (Parcival Mabasa), ito matapos umamin sa krimen ang nauna. Martes nang iharap sa media ng pulisiya ang sumukong si Estorial habang itinuturo sina “Orly Orlando,” Edmon Adao Dimaculangan at Israel […]
-
Jersey ni Jordan nabili sa auction ng $1.38-M
Naibenta sa $1.38 milyon sa isang auction ang jersey na isinuot ni NBA legend Michael Jordan. Ayon sa Heritage Auction nabili ang jersey na suot ng dating Chicago Bulls star noong 1982-83 season ng University of North Carolina. Isinuot din ito ni Jordan ang number 23 Tar Heels jersey noong maging […]