Bakuna muna bago laro- Nets kay Irving
- Published on October 15, 2021
- by @peoplesbalita
Hangga’t hindi nagpapabakuna si star guard Kyrie Irving laban sa coronavirus disease (COVID-19) ay hindi siya isasama ng Brooklyn Nets sa kanilang mga ensayo at laro para sa 2021-2022 NBA season.
“Kyrie’s made it clear that he has a choice in this matter and it’s ultimately going to be up to him what he decides,” sabi kahapon ni Nets general manager Sean Marks. “We respect the fact that he has a choice, he can make his own and right now what’s best for the organization is the path that we’re taking.”
Ayaw magpabakuna ni Irving dahil sa kanyang paniniwala na iginagalang ng Brooklyn team at nina coach Steve Nash, Kevin Durant at James Harden.
Ipinatutupad ng New York City ang COVID-19 vaccine mandate sa mga professional athletes na nag-eensayo at naglalaro sa kanilang siyudad.
Ang mga NBA players ay hindi required magpabakuna, ngunit sasailalim sila sa mas maraming testing at restrictions kapag sasama sila sa kanilang mga koponan.
Samantala, umiskor si Jordan Poole ng 18 points para igiya ang Golden State Warriors sa 111-99 paggupo sa Los Angeles Lakers at itala ang kanilang 4-0 record sa preseason. Dinaig naman ng Toronto Raptors (3-2) ang Washington Wizards (0-3) sa kanilang 113-108 panalo.
-
Indian tennis star Sania Mirza inanunsiyo ang pagreretiro
INANUNSIYO ni dating Wimbledon doubles champion Sania Mirza na ito ay magreretiro na. Ayon sa kilalang tennis star ng India na tatapusina lamang niya ang mga torneo ngayong 2022 at tuluyan ng magreretiro. Isinagawa nito ang anunsyo matapos ang pagkatalo sa unang round ng Australian Open. Dagdag pa ng […]
-
PANIBAGONG HOUSING PROJECT NG MANILA LGU, INILUNSAD SA BASECO
INILUNSAD ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang isang panibagong housing project ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila. Pinangunahan nina Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan kasama ang mga konsehal sa Distrito 5 ng lungsod ang ground breaking ceremony kaugnay sa proyektong pabahay ng lokal na pamahalaan kung saan plano […]
-
Channing Tatum Reunites with ’21 Jump Street’ Directors for New Monster Movie
THE directors of ‘The Lego Movie’ will be directing Universal’s new monster flick! Actor Channing Tatum reunites with his 21 Jump Street directors Phil Lord and Chris Miller for a new thriller film. The yet-to-be-titled film from Universal has been described as a “modern-day, tongue-in-cheek thriller”. It is set to reinvent one of the most […]