Bakuna sa COVID-19 libre lang sa mahihirap
- Published on October 21, 2020
- by @peoplesbalita
PINAKAMAHIHIRAP lamang ang mabibigyan ng libreng bakuna sa COVID-19 at dapat magbayad ang mga may pera.
“Hindi po siya magiging libre sa lahat. Iyong pinakamahirap po ang mabibigyan ng libre. Pero gumagawa rin po tayo ng hakbang para iyong mga may-kaya naman po ay makakabili rin ‘no,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.
Pero sinigurado ni Roque na para sa lahat ang gagawing pag- angkat at hindi lang para sa mga mahihirap.
Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon na ng bakuna laban sa CO-VID-19 sa Abril 2021 base sa pagtaya ni Health Secretary Francisco Duque.
Ayon sa Pangulo, nakausap din niya si Russian Ambassador Igor Khovaev kung saan nag-sabing malapit nang lumabas ang kanilang bakuna.
Nais din aniya ng Russia na magtayo ng planta ng pharmaceutical sa Pilipinas.
Sabi pa ng Pangulo, wala siyang pakialam kung gawang Russia, China o Amerika ang bakuna basta’t ang mahalaga ay magkaroon ng bakuna.
Sinabi rin ng Pangulo na nakahanap na siya ng pera para sa pagbili ng bakuna sa 20 milyong mahihirap na Filipino.
-
Daquis pinasilip ang kurba
Hindi papatinag pagdating sa paseksihan si Philippine SuperLiga (PSL) star Rachel Anne Daquis ng Cignal High Definition Spikers na ipinasilip ang kanyang alindog sa social media nito lang isang araw. Pinaskil ng 33-taong gulang at may taas na 5-9 ang ilang mga larawan niya sa Instagram kung saan makikita ang taglay pa ring kaseksihan […]
-
Rome Statute, hindi kailanman umiral sa Pinas- Pangulong Duterte
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi nailathala sa Official Gazette ang ginawang paglagda ng Pilipinas sa Rome Statute, nagtatag sa International Criminal Court (ICC), kaya’t maituturing na hindi ito kailanman umiral sa bansa. “The executive department has no copy. That’s because what happened was from Congress — Congress ratified it — instead […]
-
SAAN NAPUNTA ANG PONDO NG DOH, INISA-ISA
SINIGURO ng Department of Health (DOH) na ang bawat sentimo ng mga pinag-uusapang pondo pati na rin ang lahat ng iba pang mga public funds na inilaaan sa kagawaran ay “accounted” lahat at magagamit para sa publiko. Tugon ito ng DOH sa panawagan na magbigay ang Kagawaran ng “breakdown” kung paano ginasta ang P9 […]