• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BAKUNA SA COVID-19 SA CAMANAVA, KASADO NA

Tiniyak ng apat na alkalde ng CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) sa kani-kanilang nasasakupan na magkakaroon na ng bakuna para sa Covid-19 na magagamit sa kanila simula sa ikalawang quarter ng taon.

 

Ito’y, matapos sabihin nina Mayors Oscar Malapitan (Caloocan), Antolin Oreta III (Malabon), Toby Tiangco (Navotas) at Rex Gatchalian (Valenzuela) na gumawa na sila ng kasunduan sa British-Sweden multinational pharmaceutical company, AstraZeneca para sa pagbili ng bakuna sa Covid-19.

 

Ayon kay Malapitan, hindi bababa sa 600,000 doses ang bibilhin ng Pamahalaang Lungsod sa AstraZeneca bilang bahagi ng Covid-19 vaccination program ng lungsod.

 

Sinabi naman ni Oreta na ang Malabon ay naglaan din ng paunang halaga na P150-milyon sapagkat ito rin ang tiniyak ng parehong pharmaceutical company para sa bakuna sa Covid-19.

 

Sa Navotas, lumagda na rin Mayor Toby Tiangco sa kasunduan sa AstraZeneca pharmaceutical company para makabili ng 100,000 doses ng bakuna laban sa COVID-19.

 

Paliwanag ni Tiangco, dahil dalawang dosage ang kailangan ng bawat tao, 50,000 Navoteño ang unang mabibigyan ng bakuna na inaasahang darating sa ikalawang bahagi ng 2021.

 

Aniya, inaprubahan ng city council ang paglabas ng P20-milyon para sa layuning ito.

 

Muling pinaalalahanan ng alkalde ang nasakaupan na manatiling maingat at sundin ang safety protocols habang hinihintay ang bakuna.

 

“Good news! Valenzuela City signs a deal with AstraZeneca Pharmaceuticals Philippines for the advance purchase of 640,000 AstraZeneca vaccine doses” pahayag naman ni Mayor Gatchalian sa kanyang FB page.

 

Ani Gatchalian, inihahanda na nila ngayon ang vaccine roll out plan ng lungsod upang maging maayos na ang distribusyon ng bakuna kapag nagsimula na itong dumating.

 

Nasa 320,000 mga indibidwal ang mababakunahan, na 70 porsyento ng target na populasyon ng lungsod (hindi kasama ang 18 taong gulang pababa).

 

Nilinaw ng CAMANAVA Mayors na ang kasunduan na nilagdaan nila sa AstraZeneca ay aprubado ng Inter-Agency Task Force at Food and Drug Administration. (Richard Mesa)

Other News
  • Makati LGU bibigyan ng trabaho ang mga jeepney drivers sa pagbubukas ng klase

    Kukunin ng city government ng Makati ang ilang mga jeepney drivers ng lungsod na hindi nakapagpasada dahil sa coronavirus pandemic.   Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, magiging katuwang ang mga jeepney drivers sa inilunsad nilang mobile learning hub ng lungsod. Makakasama nila ang mga guro at librarian na naglalayong matulungan ang mga mag-aaral […]

  • COMMERCIAL/RESIDENTIAL AREA, NASUNOG

    ISANG commercial/residential area ang nilamon ng apoy  kagabi sa Binondo, Maynila.     Sa ulat ng Bureau of Fire Protection- NCR, nangyari ang sunog sa establisimyento na pag-aari ng Jespajo Realty Corporation.   Isa itong 5 storey residential/commercial mezzanine building  kung saan nagsimula ang apoy sa unit na inookupahan ni Shany Lim  sa Unit 209 […]

  • Pamilya ng EJK victims umaasang makakamit ang hustisya mula sa ICC – Colmenares

    Umaasa ang libo-libong pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings (EJK) na kanilang makakamit ang hustisya kaugnay ng kalunos-lunos na sinapit ng kanilang mga mahal sa buhay sa International Criminal Court (ICC), na nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa madugong drug war ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.     Ito ang sinabi ni dating […]