Bakunahan ng Bivalent COVID-19 vaccine lumarga na
- Published on June 24, 2023
- by @peoplesbalita
PINANGUNGAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Miyerkules ang paglulunsad ng Bivalent COVID-19 vaccine kung saan hinikayat niya ang sambayanang Pilipino lalo na ‘yung mga wala pang primary series na magpabakuna upang maproteksiyunan ang kanilang pamilya at ang publiko.
“I thus appeal to everyone especially those who have yet to receive their primary series of vaccinations to get vaccinated against COVID-19. This is not for your own good alone but also for the protection of your families and the general public,” ani Marcos sa kanyang talumpati sa Philippine Heart Center sa Quezon City.
Inatasan din ni Marcos ang mga lokal na opisyal na tiyakin na ang mga matatanda at ang mahinang sektor ay makakakuha ng kanilang libreng bivalent shots, na panlaban sa omicron variant at orihinal na virus.
Sinabi rin ni Marcos na inaasahan niya na paiigtingin ng Department of Health sa pamamagitan ni Sec. Teodoro Herbosa na mabigyan ng proteksiyon ang kalusugan ng publiko sa pamamagitan ng bakuna.
Kabilang si Herbosa sa mga unang tumanggap ng doses ng bivalent vaccine.
Nauna nang sinabi ng DOH, ang mga matatanda at mga health workers ang uunahin sa rollout ng bakuna.
Nabatid na 500 healthcare workers ang unang mabibigyan ng naturang bakuna, ngunit kailangan na nakatanggap na sila ng ikalawang booster shot para maging kuwalipikado.
Gamit ng Pilipinas ang 390,000 doses ng bivalent vaccines na donasyon ng Lithuania sa bansa.
Pinasalamatan naman ni Marcos ang gobyerno ng Republic of Lithuania para sa kanilang donasyon ng unang batch ng bivalent vaccines sa bansa habang umaasa siyang higit pang palalimin ang pakikipagtulungan ng Pilipinas at Lithuania.
Pinasalamatan din ng Pangulo ang World Health Organization (WHO) at ang COVID-19 Vaccines Global Access (COVAX) sa kanilang patuloy na tulong sa Pilipinas. (Gene Adsuara)
-
Hininga ni JUDY ANN ang binigay para sa anak na si YOHAN na 17 years old na
BUKOD sa nasa ika-4 na taon na ang Tadhana ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, very proud si Dingdong Dantes sa kanyang Misis, dahil sa paglago naman talaga ng sariling business nito, ang Floravida by Marian. Nagsimula lang ito sa mga long-lasting flowers design niya, hanggang sa magkaroon siya ng Floravida […]
-
LTFRB nakahanda sakaling matuloy ang tigil-pasada
TINIYAK ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa publiko na sila ay nakahanda sa bantang tatlong araw na tigil-pasada ng ilang transport group kasabay ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay LTFRB Board Member Mercy Jane Leynes, na magpapakalat sila ng mga sasakyan […]
-
Strengthened Efforts, Expert Insights, and Collaborative Strategies in Davao City
The Davao City Health Office (CHO) disclosed a staggering revelation: a total of 6,252 confirmed dengue cases were reported within the locality from January to December 2023. This alarming figure represents a significant 65.4 percent surge compared to the previous year’s tally of 3,758 confirmed cases. Tragically, the dengue mortality rate in the city has […]