BAKUNAHAN SA BEDRIDDEN SA NAVOTAS, SINIMULAN
- Published on June 19, 2021
- by @peoplesbalita
INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas nitong Huwebes ang house-to-house na pagbabakuna kontra sa COVID-19 upang mapaglingkuran ang mga Navoteño na hindi makapunta sa vaccination sites ng lungsod dahil sa sakit.
Nasa 30 bedridden senior na mga residente ng Barangay Tangos North at South ang nakatanggap ng kanilang unang bakuna sa kanilang bahay.
“We extended the city government’s vaccination services to bedridden Navoteños, most of whom are senior citizens, to ensure they are protected against the deadly virus,” ani Mayor Toby Tiangco.
Sinimulan na rin ng lungsod ang pagbabakuna sa mga residente na kabilang sa A5 category o indigent population kung saan nasa 160 mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang nakatanggap na ng kanilang unang dose ng Pfizer sa Tumana Health Center.
Hanggang June 16, 56,673 mga residente at nagtatrabaho sa lungsod ang nakatanggap na ng kanilang unang jabs habang 14,667 naman ang nakakumpleto na ng kanilang pangalawang doses ng bakuna. 1,052 dito ang frontliners, 5,322 ang senior citizens, 8,240 ang persons with comorbidities, at 53 ang essential workers. (Richard Mesa)
-
Mas maraming Filipino nurses, nakatakdang maghanap ng trabaho abroad
POOR working conditions ang mga rason kung bakit umaalis ang mga nurses sa bansa at nagtatrabaho sa ibayong dagat. Asahan na raw ang pag-alis sa bansa ng mga Filipino nurses sa mga susunod na buwan para maghanap ng trabaho. Ito ay dahil na rin sa mas niluwagang coronavirus border controls at […]
-
11 SHOW CAUSE ORDER, INISYU NG DPWH
MAHIGIT sa 11 show cause order ang inisyu ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kanilang mga kawani na nahaharap sa mga alegasyon ng katiwalian. Sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay virtual media forum, sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar na nakikipag-uganayan na ang kanyang tanggapan kay Justice Sec. Menardo Guevarra mula […]
-
‘Restrictions’ sa COVID situation sa NCR, ‘di pa puwede luwagan
Bumubuti na ang sitwasyon ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa National Capital Region (NCR). Ito ay ayon sa OCTA Research Group kung saan mula sa high risk area ay ibinaba na rin ito sa moderate risk area para sa COVID-19. Ayon kay Professor Guido David ng OCTA Research Group, ang seven-day […]