• March 22, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Balik-collegiate league pinaplantsa na ng JAO

BABALANGKAS Ang technical working group (TWG) ng Joint Administrative Order (JAO) panel ng training guidelines para sa pagbabalik ng mga collegiate league sa pangunguna ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) at University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

 

 

Ito ang ipinahayag nitong Lunes ni Commission on Higher Education (CHED) Commissioner Prospero de Vera III, sa virtual press conference na dinaluhan din nina Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez at Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham Kahlil Mitra.

 

 

Sumama rin sa kaganapan sina PSC-Philippine Sports Institute (PS) National Training Director Marc Edward Velasco, Philippine Basketball Association (PBA) Deputy Commissioner Eric Castro, Pilipinas 3×3 Commissioner Frederick Altamirano at Philippine Football League (PFL) commissioner Mikhail Torre.

 

 

Idinagdag ni De Vera na manggagaling ang TWG sa CHED, PSC, DOH at mga National Sports Associations (NSAs) na magtatakda ng safety guidelines at health protocols sa mga liga sa harap ng mga kontrobersiyang nilikha ng Sorosogon bubble training ng University of Santo Tomas at team practice ng National University sa Calamba.

 

 

May dalawa-tatlong linggong tinataya mapipinalisa ang guidelines para makaiwas sa Covid-19 ang mga student-athlete.  (REC)

Other News
  • Ads January 26, 2021

  • IOC, nagbanta na parurusahan amg mga atleta na magpoprotesta sa Tokyo Olympics

    Nagpaalala ang International Olympic Committee (IOC) sa mga atleta na dadalo sa Tokyo Olympics na huwag magbabalak na lumuhod at magtataas ng kamao bilang suporta sa racial equality.     Ayon sa IOC na hindi sila magdadalawang isip na parusahan ang mga sinumang atleta na gagawin ang nasabing hakbang.     Nakasaad kasi sa IOC […]

  • Mas mahigpit na precautionary measures, ipatutupad sa ‘face-to-face’ classes – DepEd

    Handa ang Department of Education (DepEd) sa mahigpit na pagpapatupad ng precautionary measures at kinakailangang health standards sakaling pahintulutan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng limited face-to-face classes.   Tugon ito ng kagawaran sa mungkahi ng ilang mga mambabatas at mga sektor na dapat ay payagan na ang limitadong face-to-face classes sa mga low-risk […]