Balik-tanaw para kay Anthony Villanueva
- Published on June 5, 2021
- by @peoplesbalita
HAYAAN po ninyong itampok ko ang ilang mga kababayan nating Olympian ngayon at sa susunod na araw dahil sa Olympic year naman.
Para sa araw na ito silipin po natin si Anthony Villanueva.
Siya po ang unang atletang nakapagbigay sa ating bansa ng silver medal sa men’s boxing mula sa 18th Summer Olympic Games 1964 sa Tokyo, Japan.
Pinagdedemolis ng pambato ng ‘Pinas na ipinanganak noong Marso 18, 1945 at yumao noong Mayo 13, 2014 sa edad na 69 sa Cabuyao, Laguna, ang mga karibal na Italyano 3-2 sa Round-of-32, Tunisian 4–1 sa Last 16, Pole via Referee Stopped Contest sa quarters, at Amerikano 4-1 sa semis.
Kaya lang, kontrobersiyal na nabigo ang 5-foot-5 at nag-aral sa Far Eastern University na kababayan natin sa men’s featherweight (-57-kilogram) finals kay Stanislav Stepashkin ng Soviet Union 2-3.
Supling si Anthony ni Jose ‘Celly’ Villanueva, na isa ring Olympic boxer na bantamweight bronze medalist sa 1932 Los Angeles Summer Games.
Umakyat ng professional ang nakababatang Villanueva noong 1965 at nagtala ng 1-3-1 (win-loss-no contest) bago nagretiro kaagad.
Pinasok din niya ang pagiging aktor at nakalimang pelikula, nag-boxing coach sa ‘Pinas, security guard, cook at private boxing gym coach sa Amerika simula noong 1976.
Nagbalik-bayan siya taong 1988 at tumulong sa national team sa Seoul Olympics, muling nag-Estados Unidos at balik uli ng ‘Pinas para sa kabutihan na.
Siya’y na-stroke, inatake sa puso nang ilang ulit at namatay.
-
PATAFA target ang Top 3 sa Vietnam SEAG
ANG PAGDUPLIKA sa nakolektang mga medalya noong nakaraang Southeast Asian Games ang hangad ng Philippine Athletics Track And Field Association (PATAFA) sa paglahok sa 31st edition sa Hanoi, Vietnam. Noong 2019 Manila SEA Games ay humakot ang national team ng kabuuang 11 gold, 8 silver at 8 bronze medals sa ilalim ng Vietnam […]
-
Halos 39K katao apektado ng patuloy na pag-alboroto ng Mayon
AABOT sa halos 39,000 katao ang apektado ng patuloy na pag-alboroto ng Bulkang Mayon. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit 20,000 residente ang kasalukuyang nasa 28 evacuation centers sa Albay simula pa nang magpakita ng paggalaw ang Mayon. Nasa anim na lungsod at bayan ang nagdeklara […]
-
Higit 50-M Pilipino nakapagparehistro na sa national ID system – PSA
Naabot ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang kanilang national ID registration target na 50 million para sa taong 2021. Ayon sa PSA, mahigit 50 million Pilipino ang tapos na sa kanilang Philippine Identification System (PhilSys) Step 2 Registration hanggang noong Disyembre 11. Mababatid na sa Step 2 Registration ay kailangan ng […]