Balitang nakaranas ng mild heart attack si Pangulong Duterte, fake news -PCOO
- Published on April 10, 2021
- by @peoplesbalita
FAKE NEWS ang sigaw ni Presidential Communications Operation Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa kumalat na balitang dumaan sa mild heart attack si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Sa post ni Sec. Andanar sa kanyang Facebook account ay ipinakita nito ang isang screen shot ng nagpakilalang Maharlika.TV na nagsabing …. “Breaking News: Sources say Duterte suffers Mild Heart Attack.”
Inilagay naman ni Sec. Andanar ang malaking “fake news” sa harap mismo ng nasabing screen shot bilang caption upang pabulaanan ang nasabing pekeng balita.
Kapansin-pansin naman na hindi na makita ang nabanggit na post ng Maharlika.tv na kung saan ay iniugnay nito ang balitang heart attack ni Pangulong Duterte sa pagpapaliban ng kanyang public address sana kagabi ng Chief Executive at nitong nagdaang Lunes. (Daris Jose)
-
Manila City government maglalabas ng quarantine pass
Maglalabas ang Manila City government ng quarantine pass sa lahat ng mga barangay na nasasakupan nito para malimitahan ang paggalaw ng mga tao matapos na ilagay ng national government sa enhanced community quarantine (ECQ). Ayon sa Manila Public Information office na ang mga punong barangay ay magbibigay ng isang quarantine pass sa bawat […]
-
Sec Año itinangging inutusan ang PNP na puntahan ang mga community pantry
Ikinagulat ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año ang ginagawang pag-iikot ng mga pulis sa iba’t ibang community pantries upang magsagawa umano ng profiling sa organizers nito. Ayon kay Año, wala siyang inutos sa PNP na magsagawa ng profiling at hindi na bago ang mga nagsulputang community pantry dahil matagal na itong […]
-
GENEVA, na-trigger kaya pinatulan ang basher na tinawag siyang ‘pangit’; ‘di talaga pinatawad kahit nagluluksa
KAHIT nagluluksa pa si Geneva Cruz dahil sa pagpanaw ng ina na si Marilyn Mendoza Cruz na ‘di nakaligtas sa Covid-19, minabuti pa rin niyang bumalik na sa Your Face Sounds Fimiliar. Muli ngang napanood si Geneva last Sunday sa YFSF na kung saan ginaya niya si Toni Braxton. Sabi nga ng host […]