BANGKAY NG LALAKI LUMUTANG SA ILOG SA NAVOTAS
- Published on September 4, 2021
- by @peoplesbalita
BANGKAY na nang matagpuan ang isang lalaking hindi na nakauwi sa kanilang bahay matapos magsabi sa kanyang pamilya na mangingisda lamang siya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, kinilala ang biktima bilang si certain Jaymark Panganiban, nasa 25-30 ang edad at nakatira sa Judge Roldan St. Brgy. San Roque.
Dakong alas-7:20 ng gabi nang matagpuan nakalutang ang bangkay ng biktima sa Dike Pondohan Dulong Tangos, Brgy. Tangos North.
Pinagtulungan i-ahon ng rumespondeng mga tauhan ng Navotas City Rescue Team at mga barangay opisyal ang katawan ng biktima.
Ayon sa pulisya, huling nakitang buhay ang biktima ng ilang residente ng Dulong Tangos bago magtanghali habang nangingisda sa Dike Pondohan.
Dinala ang bangkay ng biktima sa Northern Police District (NPD) Crime Laboratory para sa autopsy examination upang matukoy kung anu ang ikinamatay nito. (Richard Mesa)
-
Phivolcs, nagbabala sa patuloy na pagbuga ng gas ng Taal
BINALAAN ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang publiko hinggil sa patuloy na ‘degassing activity’ o pagbuga ng gas mula sa Bulkang Taal. Sa Taal Volcano advisory ng Phivolcs nitong Linggo, nagkaroon nang pagbuga ng gas mula sa Taal, na sinabayan ng pagluwa sa lawa ng Main Crater na lumikha ng […]
-
TRUCK HELPER BINARETA SA LEEG NG KA-TRABAHO
MALUBHANG nasugatan ang 28-anyos na truck helper matapos tarakan ng bareta sa leeg ng kapwa truck helper nang mapuno na umano ang suspek sa pambu-bully sa kanya ng biktima sa Malabon City. Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng saksak sa leeg ang biktimang si Christian Borja, alyas “Ogag”, tubong Buhi, Camarines Sur. […]
-
₱4-₱6 taas-pasahe sa MRT-3, inihirit
MAGING ang pamunuan ng Manila Rail Transit Line 3 (MRT-3) ay humihirit na rin ng taas-pasahe dahil sa kawalan umano nito ng kita. Nabatid na naghain ang MRT-3 ng petisyon sa Rail Regulatory Unit ng Department of Transportation (DOTr) para sa fare rate increase na mula P4 hanggang P6. Sakaling maaprubahan […]