Banta sa seguridad posible sa ilalim ng connectivity measure — consumer group
- Published on March 15, 2025
- by Peoples Balita
NAGBABALA ang isang consumer group laban sa mga probisyon ng isang nakabinbin na digital connectivity bill, at sinabing walang mga pananggalang na maggagarantiya na magiging ligtas ang bansa mula sa mga banta sa seguridad.
Bagama’t kinikilala ng Senate Bill No. 2699 o Konektadong Pinoy Bill ang pangangailangan ng bansa na maging malawakang konektado, sinabi ni Bantay Konsyumer, Kalsada, Kuryente (BK3) Convenor Atty. Karry Sison na kailangan ding bigyang prayoridad ang pambansang seguridad.
“Ngunit sa ating matinding pangangailangan ng mas maayos na koneksiyon, tila hindi natin napagtutuunan ng pansin ang malaking banta sa ating seguridad,” pahayag ni Sison sa isang statement.
“Sa kasalukuyang anyo ng panukalang ito, walang matibay na pananggalang upang masigurong ligtas at lehitimo ang mga papasok na telco providers. Walang garantiya na hindi sila may kaugnayan sa mga grupong may masamang hangarin laban sa ating bansa o sa ating mga ordinaryong mamimili,” dagdag pa niya.
Noong Pebrero 5 ay inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang naturang bill, bago ang session break.
Layon ng panukala na maging mas madali para sa mga service provider na makapasok sa merkado, isulong ang kumpetisyon, mag-alok sa mga consumer ng mas marami at abot-kayang opsiyon para sa internet services.
Nagpahayag si Sison ng labis na pagkabahala sa mga potensiyal na panganib sa pagpapahintulot sa anumang service provider na pumasok sa bansa nang walang sapat na regulatory oversight.
“Kung walang sapat na proteksiyon, magiging madali para sa mga mapagsamantalang grupo na dayain, nakawan, o manipulahin ang mga gumagamit ng internet, lalo na ang mga hindi pamilyar sa mga panganib ng online transactions.”
-
Tubig sa Angat dam, patuloy ang pagbaba
BUNSOD ng matinding init at kawalan ng mga pag-ulan, patuloy na ang pagbaba ng lebel ng tubig ng ilang dam sa Luzon. Batay sa ulat ng PAGASA Hydrometeorology Division, kahapon ng umaga, nasa 206.45 meters ang water level ng Angat dam. Nabatid na may pagbaba ito ng .27 meters mula sa […]
-
‘Heartbeat’ ni Quiboloy na-detect sa underground bunker ng KOJC
TIWALA ang Philippine National Police (PNP) na bilang na ang araw ni Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy na pinaniniwalaang nagtatago sa underground bunker ng KOJC Compound matapos na ma-detect ang ‘heartbeat’ nito. Ayon kay PNP Region XI spokesperson Catherine Dela Rey, na-detect ang heartbeat ni Quiboloy matapos na […]
-
Gobyerno, muling ininspeksyon ang Malampaya gas-to-water project
ININSPEKSYON ng mga opisyal ng gobyerno ang Malampaya deep water gas-to-power project sa offshore Palawan upang matiyak ang pagpapatuloy ng mga operasyon sa gitna ng inaasahang kakulangan ng suplay ng kuryente. Sinabi ni Enrique Razon na pinangunahan ng Prime Infrastructure Capital Inc. (Prime Infra) na ang mga opisyal mula sa Department of Energy […]