Bar Exams magpapatuloy sa buwan ng Nobyembre
- Published on November 2, 2022
- by @peoplesbalita
MAGPAPATULOY ang 2022 Bar examinations gaya ng orihinal na naka-iskedyul sa buwan ng Nobyembre ayon sa Korte Suprema.
Inihayag ni SC spokesperson Brian Hosaka na magpapatuloy sa November 9, 13, 16, at 20 ang 2022 Bar Exams.
Samantala, sinabi rin ni Hosaka na mayroong 9,916 examinees ang inaasahan para sa Bar exams mula sa 10,075 aprubadong aplikante ngayong taon.
Sa isang bulletin, sinabi ni Bar examinations chair Alfredo Benjamin Caguioa na magpapatuloy ang pagsusulit “maliban sa mga hindi inaasahang pangyayari at contingencies” na maaaring mangailangan ng rescheduling.
Sinabi ni Caguioa na patuloy na gagamitin ng Korte ang Examplify para sa mga pagsusulit, isang secure na programa sa paghahatid ng eksaminasyon.
Nauna nang inanunsyo ng Korte Suprema na sususpindihin ang lahat ng sesyon mula Nobyembre 5, Sabado hanggang Nobyembre 22, Martes para sa Bar examinations.
-
Mga lumulundo na kawad at kable ng mga public utility companies dapat ayusin
DALA na rin sa panganib na maaaring idulot ng mga nakalundo o nakalawit na kawad at kable na kilala sa tawag na ‘spaghetti wires’ ng mga public utility sa publiko, dapat ayusin o alisin ang mga ito. Sa House Bill No. 10549 na inihain nina Manila Reps. Rolando Valeriano at Joel Chua, sinabi […]
-
Rep. GERALDINE ROMAN, tinalakay ang ‘pro-women issues’ sa Bangkok Forum
MAGLAKBAY sa Bangkok, Thailand kasama si Bataan District 1 Representative Geraldine Roman habang ibinabahagi niya ang mga highlight ng kanyang paglahok bilang Pinuno ng Delegasyon ng Kapulungan sa 30th Asia Pacific Parliamentarians Forum. Dumalo siya sa Women Parliamentary Sessions upang pag-usapan ang mga hakbang sa pag-asenso ng kababaihan matapos ang COVID-19. […]
-
20 milyong doses ng AstraZeneca vaccine kasado na
Nakakuha na ang Pilipinas ng 20 milyong doses ng bakuna mula sa British drug group na AstraZeneca. Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ngayong araw nakatakdang lagdaan ang tripartite agreement para sa kukuning bakuna laban sa COVID-19. “Bukas nga po ay aming pipirmahan, lalagdaan po namin ang tripartite agreement na more or less […]