• September 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Barangay chairman itinumba ng 2 riding-in-tandem sa Malabon

Dedbol ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin ng dalawa sa apat na hindi kilalang mga suspek likod ng kanyang bahay sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

 

Dead on arrival sa Manila Central Univesity (MCU) hospital sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Anthony Velasquez, 41, Barangay Chairman ng Brgy. Hulong Duhat.

 

Sa report nina police investigators PSSg Jose Romeo Germinal at PCpl Michael Oben, dakong 3:50 ng hapon nang maganap ang insidente sa likod ng bahay ng biktima sa No. 3 Florante St. Brgy. Hulong Duhat.

 

Lumabas sa imbestigasyon na abala sa paglilinis ang biktima sa likod ng kanyang bahay nang pumasok ang dalawang hindi kilalang gunaman sa likod na gate at walang sabi-sabing pinagbabaril sa katawan si Velasquez.

 

Matapos ang insidente, naglakad patungo sa kanilang kasama na nagmamaneho ng kanilang gateway motocycle bago mabilis na nagsitakas sa hindi matukoy na direksyon habang isinugod naman ang biktima ng kanyang pamilya sa naturang pagamutan subalit, hindi na ito umabot ng buhay.

 

Kaagad namang nagsagawa ng dragnet operation ang mga tauhan ng SS7 sa pangunguna ni PLT Edgardo Magnaye subalit, nabigo sila na mahuli ang mga suspek habang narekober sa crime scene ng 11 basyo ng bala mula sa hindi pa matukoy na uri ng baril.

 

Ipinag-utos na ni Col. Rejano sa kanyang mga tauahan ang masusing imbestigasyon sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ng pulisya ang tunay na motibo sa krimen. (Richard Mesa)

Other News
  • SHARON, balik na sa pagiging hurado sa ‘YFSF’ kasama sina GARY at OGIE; wish ng fans na maipalabas din sa TV5

    TIYAK na happy ang mga fans ni Megastar Sharon Cuneta dahil malapit na nila muling mapanood ang kanilang idol sa telebisyon.     Kasali na muli si Sharon bilang judge ng Your Face Sounds Familiar na malapit na muling mag-taping after conducting auditions.     Isa ang Your Face Sounds Familiar sa mga paboritong programa […]

  • Higit 1 milyong 4Ps beneficiaries, aalisin mula sa listahan—DSWD Sec. Tulfo

    AALISIN mula sa listahan ang kulang-kulang isang milyong  beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).     Sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo, bahagi Ito ng gagawing paglilinis ng departamento sa nasabing listahan.     Aniya, aabot ng tatlo hanggang apat na linggo ang gagawing paglilinis ng  DSWD sa […]

  • Seguridad sa pagsisimula ng campaign period para sa national candidates, maaasahan – PNP

    TINIYAK  ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na kanilang bibigyan ng standard security package ang mga kandidato sa national elections sa pagsisimula ng campaign period, February 8, 2022.     Ayon kay PNP chief General Dionardo Carlos, handa na ang latag ng kanilang seguridad para matiyak na magiging mapayapa ang panahon ng kampanya hanggang […]