• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Barangay Ginebra kampeon na naman laban sa Dragons

Nakuha ng Barangay Ginebra ang kampeonato ng 2022 PBA Commissioner’s Cup matapos na talunin ang Bay Area Dragons 114-99 sa kanilang Game 7.

 

 

Mula sa simula ay hindi na pinaporma ng Gin Kings ang kalaban sa harap ng 54,589 fans sa Philippine Arena sa Bulacan.

 

 

Ito na ang itinuturing na p inakamahirap na laban ng Ginebra para makuha ang ika-15 na championship title sa kanilang franchise.

 

 

Nanguna sa panalo ng Ginebra si Justin Brownlee na nagtala ng 34 points, walong rebounds at 12 assist habang mayroong 18 points at siyam na rebounds si Scottie Thompson.

 

 

Naging sulit din ang unang finals ni Jamie Malonzo na mayroong 22 points at 17 rebounds.

 

 

Tinanghal naman bilang Finals Mos Valuable Player si Christian Standhardinger. (CARD)

Other News
  • SERBISYO SA KALUSUGAN NG BANSA, HAMON NG SIMBAHAN

    HINAMON ng simbahan ang pamahalaan na tutukan ang pagpapaayos ng serbisyo ng kalusugan ng bansa.     Ayon kay Fr. Dan Cancino, MI, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care, dapat paglaanan ng pondo para sa sektor ng kalusugan ng Pilipinas lalo na sa mga mahihirap.     Ito […]

  • PDu30, hands off sa napipintong pagpapalit ng House leadership -Sec. Roque

    HANDS off si Pangulong Rodrigo Roa  Duterte sa usapin ng  term sharing sa Kamara sa pagitan nina House Speaker Allan Peter Cayetano at Marinduque Representative Lord Allan Jay Velasco.   Tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque, hindi panghihimasukan ni Pangulong Duterte  ang una nang naging  arrangement ng dalawang mambabatas na may kinalaman sa hatian ng pamumuno […]

  • Kahit sikat na sikat ng fashion icon: HEART, enjoy pa rin sa simple things tulad ng pagkain ng fast foods

    SA kabila ng pagiging glamorous celebrity ni Heart Evangelista, attending one fashion show after another sa abroad, in reality, enjoy pa rin siya doing simple things, tulad nang pagkain sa mga fast food. Nakita nga siya ng ilang Filipino fans, na kasama niya ang mga big stars and her glam team sa Milan Fashion Week, […]