• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Barangay hall sa Navotas, ni-lockdown

Pansamantalang isinailalim sa granular lockdown ang barangay hall ng Brgy. San Jose sa Navotas city simula 12am ng March 16, 2021 hanggang 11:59pm ng March 20.

 

 

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, isinailalim na rin sa RT-PCR swab test ang lahat ng mga opisyal at kawani ng barangay para sa kanilang kaligtasan at sa kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan.

 

 

“Ang pagpapa-swab test sa lahat ng mga opisyal at kawani ng lahat ng mga barangay ay bahagi ng ating pagsisikap na mapigilan ang posibleng pagdami pa ng mga kaso ng COVID-19 sa ating lungsod at ma-proteksyunan ang ating mga barangay workers at mga mamamayan”, pahayag ni Mayor Tiangco.

 

 

Hinikayat din ng alkalde ang bawat Navoteño na maging responsable sa kanilang kalusugan at gawin ang makakaya para maiwasang mahawaan ng COVID-19.

 

 

Paalala niya na siguruhing nakasuot nang tama ang face mask at face shield, nasusunod ang 1-2 metrong social distancing, naghuhugas o disinfect parati ng mga kamay, at lumalabas lang ng bahay kung kinakailangan..

 

 

“Sa pag-iingat po natin sa ating kalusugan, napoprotektahan din natin ang ating kakayahang makapaghanapbuhay”, dagdag niya.

 

 

Nitong 6pm ng March 16, 2021, umabot na sa 6,917 ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, 759 dito ang active cases, 5,949 ang mga gumalin at 209 naman ang nasawi. (Richard Mesa)

Other News
  • SUSPENSEFUL ACTION-THRILLER “65” TO OPEN IN PH CINEMAS MARCH 8

    COLUMBIA Pictures has just confirmed that 65, the epic action thriller from the writers of A Quiet Place and producer Sam Raimi, will open in cinemas across the Philippines on March 8.     Starring Academy Award-nominee Adam Driver (Marriage Story, Star Wars: The Force Awakens),  65 has also unveiled a brand new spot which may be viewed below.   […]

  • Pinas, France magsisimula nang mag-usap ukol sa VFA ngayong Mayo – envoy

    MAGSISIMULA na sa susunod na buwan ng Mayo ang negosasyon sa pagitan ng France at Pilipinas para sa posibleng Visiting Forces Agreement (VFA), mapahihintulutan nito ang French forces na magsanay kasama ang kanilang Filipino counterparts. Sinabi ni Ambassador Marie Fontanel na ang defense committee meeting sa pagitan ng dalawang bansa ay idaraos sa Paris sa […]

  • Thank you for the opportunity to save lives-VP-elect Sara Duterte

    INIALAY ni Vice President-elect Sara Duterte ang kanyang tagumpay sa katatapos lamang na Eleksyon 2022 sa mga biktima ng “terrorism, abuse, criminality, and bullying.”     “The opportunity to serve as vice president, I dedicate to Kean Gabriel, to Larry, to Jaren and Frederick and all those who passed because of terrorism, abuse, criminality, and […]