Barangay health workers gagawing kawani ng gobyerno
- Published on September 3, 2021
- by @peoplesbalita
Magiging kawani na ng gobyerno ang mga Barangay Health Workers o BHW’s sa ilalim ng panukala na inihain ni dating Speaker Alan Peter Cayetano, Taguig Congw.Lani Cayetano at mga miyembro ng Back to Service o BTS bloc sa Kamara.
Nais nina Cayetano at ng kanyang grupo na masuklian ng sapat na insentibo at sweldo ang mga Barangay Health Workers kaya hinikayat nila ang mga LGU na kunin ang serbisyo ng mga ito bilang contractual, job orders, casual at bilang mga regular employees mula sa pagiging volunteers.
Ilulunsad din ng panukala ang Special Barangay Health Workers Assistance Program sa ilalim ng Department of Health na naglalayong mabigyan ng technical assistance, training at iba pang uri ng suporta ang mga BHW sa ilang piling LGUs.
Sa ngayon ang mga BHW ay nakakatanggap ng allowance ngunit ito ay daragdagan ng naturang panukalang batas mula sa pondong makukuha ng mga LGU’s kapag ipinatupad ang Mandanas-Garcia ruling ng Korte Suprema. Inaasahang madagdagan ang internal revenue allotment o IRA ng mga LGU’s sa susunod na taon dahil sa Mandanas ruling.
Matagal ng adbokasiya ng mga Cayetano ang kapakanan ng mga BHW. Sa Taguig, lahat ng 819 BHW ay mga casual employees na ng LGU at sumasahod ng mula P7,900 hanggang P11,000 kada buwan.
Samantala, kabilang din ang mga barangay frontliners sa listahan ng mga benepesyaryo na makakatanggap ng 10K ayuda sa ilalim ng panukalang batas na inihain ni Cayetano at ng kanyang mga kaalyado noong Pebrero 2021. Layon ng 10K ayuda bill na mabigyan ng P10,000 ang bawat pamilyang Pilipino na kasapi ng poorest of the poor na nabiktima ng COVID-19. (Gene Adsuara)
-
US nagpadala ng Patriot missiles sa Poland bilang proteksyon laban sa posibleng pag-atake ng Russia
MAGPAPADALA ang US ng dalawang Patriot missiles batteries sa Poland bilang pagkontra sa banta sa US at NATO allies dahil sa nagpapatuloy na paglusob ng Russia sa Ukraine. Ang nasabing Patriots air defense missile systems ay kayang magharang ng mga paparating na mga short-range ballistic missile, advanced aircraft at cruise missiles. […]
-
Face-to-face internship at clinical clerkship rotation sa NCR, suspendido na
Napagdesisyunan ng Association of Philippine Medical Colleges na suspendihin ang pagsasagawa ng face-to-face internship at clinical clerkship rotation sa mga ospital na nasa National Capital Region (NCR). Ito’y kasunod ng muling pagsirit ng naitatalang coronavirus diseases cases sa bansa. Sa isang abiso, inilahad nito na ipagpapatuloy virtually ang lahat ng learning […]
-
Siya na raw ang ‘Donnalyn Bartoleme’ part 2: KRIS, nakisawsaw at ipinagtanggol pa ang maling ginawa ni ALEX
MARAMI ang pumuri kay Ria Atayde sa pagiging bagong Calendar Girl niya ng White Castle Whisky. Binali kasi ni Ria ang nakasanayang image o molde ng isang White Castle Whisky Calendar Girl na kailangan payat na payat para masabing sexy. Ang iprinisinta rin daw na advocacy ng brand ang dahilan kung […]