BARKONG PANGISDA NG CHINA, TINULUNGAN NG PCG
- Published on January 30, 2023
- by @peoplesbalita
NIRESPONDEHAN ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang barkong pangisda ng China sa bahagi ng baybayin sakop ng Eastern Samar.
Ayon kay Commodore Arman Balilo, nakatanggap ng distress call ang PCG ngayon umaga mula sa dayuhang barko na may pangalang KAI DA 899 kaya agad rumisponde ang coast guard personnel.
Sa inisyal na impormasyon, binayo ng malalakas na alon ang dayuhan barko dahil sa masamang panahon SA nasabing lugar.
Patungo na sa kinalalagyan ng Chinese vessel ang MRRV 4409 o ang BRP Suluan ng PCG para tumulong sa dayuhang barko. GENE ADSUARA
-
100 undocumented Filipino workers naharang
NAHARANG ng Bureau of Immigration (BI) ang tinatayang 100 undocumented na manggagawang Filipino ang naharang sa Zamboanga International Seaport (ZIS). Ayon kay BI Commisioner Jaime Morente, nasa kabuuang 110 kababaihang pasahero ang naharang sa tatlong magkakahiwalay na pagkakataon ng mga tauhan ng BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU). Dagdag pa nito, nagtangkang […]
-
OFW na nagpositibo sa Omicron variant ng COVID-19, ‘di bakunado – DOH
Hindi umano bakunado sa COVID-19 ang ikatlong returning overseas Filipino na nagpositibo sa Omicron variant na nakapasok sa Pilipinas. Sa ginawang paglilinaw ni Health Usec. Maria Rosario Vergerie, ang 36-year-old returning overseas Filipino (ROF) ay nagmula sa Qatar at dumating sa bansa noong Nobyembre 28 via Qatar Airways Flight number QR 924. […]
-
Na-challenge sa kakaibang karakter sa miniseries: ANDREA, tuwang-tuwa sa magagandang reviews ng netizens
NA-CHALLENGE si Andrea Del Rosario sa kakaibang karakter na kanyang ginagampanan sa mystery-romance miniseries ng GMA Public Affairs na Love You Stranger. Ginagampanan ni Andrea ang role na Lorraine, ang ina ni LJ (Gabbi Garcia) na kinakatakutan ang isang misteryosong anino na kung tawagin ay Lilom. “Mayroon siyang unexplained fear of the dark. […]