• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BARMM, “greatest legacy” ni Pangulong Duterte sa mga Muslim- regional executive

ANG Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang itinuturing na “greatest legacy” ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Filipino- Muslims.

 

 

Kaya nga, hinikayat ni BARMM Chief Minister Ahod “Murad” Ebrahim ang kanyang mga nasasakupan na huwag kalimutan kung ano ang mga nagawa ni Pangulong Duterte para sa kanila pagdating sa pagkakaroon ng ‘homeland’ sa Mindanao.

 

 

“From the bottom of our hearts, thank you very much, Mr. President,” ayon kay Ebrahim sa isang kalatas.

 

 

Sa kabilang dako, pinangunahan ni Ebrahim  ang pagbubukas sa regular session ng 80-member Bangsamoro Transition Authority (BTA) parliament.

 

 

Sa nasabing event, pinaalalahanan ni Ebrahim ang Bangsamoro people na sa ilalim ng administrasyong Duterte naipasa ang  Bangsamoro Organic Law (BOL) na naging daan para maitatag ang BARMM.

 

 

Tinukoy ni Ebrahim  ang ilang ‘notable milestones’ ng BARMM para sa nakalipas na tatlong taon simula ng manumpa ang mga  BTA members para sa kanilang moral governance noong 2019.

 

 

“The regional government has been working tirelessly in building and running a government we can all proudly call Bangsamoro,” anito.

 

 

Inulit naman ni Ebrahim ang kahalagahan ng  public support sa panahon ng  transition period.

 

 

Sinabi pa rin niya na nahaharap sa maraming hamon ang regional subalit ito’y malalampasan sa pakikipagtulungan ng bawat isa.

 

 

“Some of these challenges cannot be resolved by BARMM alone, it needs continuing support from the national government, the international community, and local stakeholders,” ayon kay Ebrahim.

 

 

“What is primordial is to ensure that with the challenges and imperfections, we continue to thrust forward and major and small wins for the region,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • Pagtakbo ni Mayor Sara sa pagka-VP ‘desisyon’ ni ex-Sen Marcos

    Si dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang siyang nag-impluwensya kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbo sa pagka-bise presidente sa 2022 national elections, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.     Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Duterte kumbensido siyang “desisyon” ni Marcos ang pagtakbo ng kanyang anak sa pagka-bise presidente.     Nobyembre […]

  • Deadma pa rin sa isyu sa lovelife: SUNSHINE, hinangaan sa pagrampa na naka-two piece sa fashion show

    İSA si Donita Rose nagtataglay ng magandang mukha sa mga member ng programang “That’s Entertainment” noon ng namayapang German Moreno.   Pero ayon pa sa aktres at TV host ay hindi man lang sumagı sa isip ng TV host-actress na maganda siya nung mga panahon na yun.   Basta ang nasa ısıpan niya ay naramdaman niyang […]

  • Marcos, nangakong tatapusin ang infra projects ‘ sa tamang oras

    NANGAKO si  Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tatapusin niya ” sa tamang oras” ang  infrastructure projects sa panahon ng kanyang administrasyon.     “We will continue to build, I will complete on schedule the projects that have been started. I am not interested in taking credit. I want to build on the success that’s […]