Base sa pahayag ng isang Infectious Disease expert: COVID 19, nagiging endemic na
- Published on November 16, 2022
- by @peoplesbalita
SINABI ni Infectious Disease Expert Dr. Edsel Salvana na nagiging endemic na ang COVID 19 at ang sirkulasyon nito ay maihahalintulad sa sipon na hindi na tuluyang mawawala pa.
Inamin ni Salvana sa Laging Handa public briefing na hindi na sila masyadong nakatutok pa sa bilang ng mga naitatalang kaso ng covid 19 at sa halip ay mas pokus sila sa estado ng health care system.
Anuman aniya ang numerong lumabas na may kaugnayan sa bilang ng nagkaka-COVID, ang mahalaga dito aniya ay mild lang ang mga ito at hindi makapag-bibigay ng problema sa health care system ng bansa.
Samantala, bagama’t hindi na aniya gayon kataas ang naitatalang COVID cases ay makabubuti pa rin aniyang magsuot ng face mask.
Hindi lang naman aniya kasi ang COVID 19 ang naibibigay na proteksiyon ng face mask kundi pananggalang din ani salvana ito sa iba pang karamdaman gaya ng influenza at iba pang respiratory ailments.
Kaugnay nito’y sinabi ni Salvana na sa Estados Unidos ay napupuno umano ang mga ospital hindi dahil sa COVID kundi dahil sa influenza at respiratory virus kaya’t mahalagang gamitin pa din ang face mask bilang bahagi ng public health intervention. (Daris Jose)
-
P6.352-T national budget para sa 2025 pasado na sa Kamara
INAPRUBAHAN na ng House of Representatives ang P6.352-trillion national budget ng taong 2025. Ang nasabing pag-apruba ay isang araw matapos sertipikahan ito Pangulong Ferdinand Marcos Jr na urgent. Mayroong kabuuang 285 na kongresista ang bumuto na pumabor sa House Bill 10800 o kilala bilang “An Act Appropriating Funds for the Operation […]
-
42 grupo bilang partylist at koalisyon, pinapakansela ng Comelec
IPINAG-UTOS ng Commission en banc ang pagkansela sa registration at pagtanggal sa listahan ang 42 grupo bilang Partylist at koalisyon. Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na sa desisyon ng en banc ngayong araw , natuloy na bigong lumahok sa nagdaang dalawang eleksyon ang 11 organisasyon. Bigo namang makakuha ng dalawang porsyiemto ng […]
-
Grateful dahil sixteen years nang Kapuso… HEART, nag-panic at umiyak nang malamang mamumuno ng SSFI
SIXTEEN years na palang Kapuso si Heart Evangelista. Sobrang grateful nga siya sa muling pagoirma ng exclusive contract sa GMA Network. Sa guesting ng Kapuso actress sa “Fast Talk With Boy Abunda” last July 29, inamin niya na, “I’ve been through so much with GMA. Sobrang dami kong pinagdaanan, […]